ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7 ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7

Thursday, March 13, 2008

ON THE NEWS TODAY

Yasmien Kurdi's kiss with JC de Vera is more torrid than with Marvin Agustin

Rommel Gonzales
hursday, March 13, 2008
3:04 PM

Sina Yasmien Kurdi at Jennylyn Mercado ang magkasabay na pumasok sa showbiz. In fact, sila ang naging mahigpit na magkalaban sa unang batch ng Starstruck, and as we all know, si Jennylyn ang tinanghal na ultimate female survivor, with Yasmien as the first princess.



Bukod sa pagiging colleague, naging matalik na magkaibigan din sila, kaya naman si Yasmien ang isa sa mga nararapat hingan ng opinyon tungkol sa kalagayan ngayon ni Jennylyn.



"Kanina, magkausap po kami," sinabi ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi sa The Oasis sa Aurora Boulevard, Quezon City kung saan ginanap ang grand presscon ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ng GMA-7.



At ang naging takbo ng usapan nila...


"Four months na po yung baby niya, ‘tapos tinatanong ko siya, ‘tapos tinawagan niya ako, sabi niya hindi nga raw siya nakapunta ng summer plug shoot ng GMA kasi nga raw nagdudugo yung ilong niya.



"Hindi ko alam, parang may something-something siya."


Ano ang pananaw ni Yasmien tungkol sa mga nangyayari kay Jennylyn?


"I don't know. Siguro kasi buhay nila yun. Ayokong manghimasok sa life nila.


"Hindi ko naman sinasabing ginusto niya or something, pero kasi nandun pa rin ang love. I mean, nung ginawa nila yun...bakit nila nagawa yung baby? Kasi may pagmamahal, ‘di ba?



"So ngayon, sa nangyayari, I think kailangan lang maging mature enough siya to handle the situation, na sa maayos na paraan, para lumaki yung bata sa maayos na paraan. Hindi yung kung anu-ano na lang yung magiging buhay nung bata."



SUPPORTING A FRIEND. Ayaw isipin ni Yasmien na mas bumongga ang career niya nang nabuntis si Jennylyn.


"Hindi ako naglalagay ng ganun sa nangyayari, kasi may pinagsamahan din naman kami nung tao, hindi naman...parang napaka-selfish naman ng dating mo, ‘di ba?



"I mean, life na niya yun, for me I'm just telling her na if you need anything or if you want anything, I'm here, I'm here to give you those things, if you want anything na iba-buy ko or may gusto kang bilhin or what, nandito lang ako.


"I mean, i-set aside na natin yung career-career na muna, magpakatotoong-tao na muna tayo for the situation."


KEEPING OUT OF JEN AND PATRICK'S BUSINESS. Sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, kapareha ni Yasmien for the third time si JC De Vera, at tampok din dito ang tambalang Angelika dela Cruz at Marvin Agustin. Bida rin sa dramang ito sa telebisyon si Miss Dina Bonnevie, with Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Paolo Contis, Diana Zubiri, Ian de Leon, Jay Aquitania, LJ Reyes, Jenny Miller, Robert Ortega, at Patrick Garcia.



Yes, kasama ni Yasmien si Patrick sa show; nakausap na ba ni Yasmien si Patrick na ama ng dinadala ni Jennylyn?


"Not yet, hindi pa. Ayokong makialam, kasi..."


Ayaw niyang makialam kahit bilang kaibigan ni Jen?


"Hindi, ayokong makialam sa ganun, kasi nakakairita, kunwari kayo, may problema kayong couple ‘tapos may nakikialam sa gitna ninyo, nakakairita yung feeling na yun, hindi siya nakakatuwa."



LOVE SCENES AND KISSING SCENES. Sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, magiging asawa ng character ni Yasmien na si Salve, si Alfred played by Marvin. Bilang mag-asawa, may mga eksena silang gawin na ginagawa ng mag-asawa, tulad ng love scene.


Kinumusta naman ang love scene nila Marvin.


"Okey lang po. Alam ninyo, sa sobrang respeto ko kay Kuya Marvin, na parang nakikita ko lagi na ‘pag magla-love scene kami, tawa kami nang tawa, hindi namin magawa-gawa. Hanggang bumaba si Direk [Joel Lamangan] from the OB van, tumingin na sa amin nang masama ‘tsaka, ‘Ano ba, gagawin n'yo ba o hindi?'



"So kami, ‘Tara gawin na natin,' ganun. Kasi sobrang nakakailang."


Napapanood na niya si Marvin noon pang wala pa siya sa showbiz.


"Oo, nanonood ako nun, e. Nung bata...ay, hindi naman! Bata rin naman siya nun, e," biglang kambiyo ni Yasmien sa sasabihin niya nang mapansing puwedeng gawan ng issue ang mga bibitawan niyang salita.


Parang kuya ang tingin niya kay Marvin?


"Kuya po talaga, pati si Ate Angelika [dela Cruz]."


Paano niya ikukumpara ang halikan nila ni Marvin sa mga naging halikan nila ni JC in the past?


"Ayoko, hindi ako nagkukumpara, e," safe na sagot niya.


Pinilit pa rin namin siya at tinanong kung sino na lang ang mas masarap kahalikan?


"Kasi when I get to that scene ginagawa ko yung character ko," safe pa rin niyang sagot.


Hindi ba niya ninanamnam ang mga halik sa kanya?


"Hindi ko siya pinepersonal."


Sa pamimilit pa rin namin itinanong na lang ng PEP kung kanino ang mas torrid na kissing scene.



"Kami ni JC," bigay na ring sagot ni Yasmien.


So, masasabi na ba niyang palaban na rin siya sa halikan?


"Hindi naman po. Siyempre TV pa rin po tayo at marami pa rin pong bata na nanonood. Hindi naman po natin hahayaan na magmukha siyang hindi kaaya-aya sa paningin ng mga viewers."



Mapapanood na ang Babangon Ako't Dudurugin Kita weeknights simula sa March 24 sa GMA Telebabad, sa direksyon ni Joel Lamangan.


0 comments:

 
Kurdinian Defense Force - © 2007 Template feito por Templates para Você