ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7 ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7

Sunday, April 6, 2008

More Articles


SUPER trabaho si Yasmien Kurdi

Biro mo naman may dala-wang soap opera siya, ang ga-bi-gabing
Babangon Ako't Dudurugin Kita at ang Tasya Fantasya tuwing
Sunday. Tapos, tumanggap pa si-ya ng guesting na kailangan ang
whole day taping, sa epi-sode ng Kung Ako Ikaw na lu-mabas bilang
salt maker na kinunan sa Novaleta, Cavite. Wika ni
Yasmien: "Kai-langan kong kumayod para sa aking pamilya. Lalo na sa
aking inang may sakit. May kidney stone siya, at kinakailangan niya
ng maintenance medicine. Ang aking ina ang nagtago ng pera ko. Bini-
bigyan n'ya lang ako ng al-lowance."

Ang ama naman ni Yasmien na nasa Middle East ay once a year lang sila
kung magkita.

_____


Yasmien Kurdi prays for her mother's complete recovery

Rommel Gonzales

Wednesday, April 2, 2008
10:44 AM

Rating

Isa sa mga ipinagdarasal ng young actress na si Yasmien Kurdi ngayon
ay ang tuluyang paggaling ng sakit ng kanyang ina.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay
Yasmien, napag-alaman namin na may natitira pang dalawang stones sa
kidney ng kanyang ina na hindi pa natse-check- up. Pero ayon kay
Yasmien, madali lang ang paraan para alisin ang natitirang kidney
stones ng mommy niya.

"Unlike yung isang stone dati, yun yung talagang mamamatay na siya
talaga nun. As in namatay siya, three seconds na flatline!" kuwento
ni Yasmien tungkol sa pinagdaanan nilang krisis last year.

Ngayon daw ay okay na ang kundisyon ng ina niya dahil hindi na nga
delikado ang dalawang stones sa kidney nito, hindi tulad noon na
nalason ang dugo ng mommy niya ng sarili nitong urine.

"Hindi ganung ka-delikado ngayon. Okay na yung ngayon, wala na yung
danger na `yon. Yun ang importante, yung wala na siya sa sobrang
panganib," masayang lahad ng dalaga.

Pero dagdag ni Yasmien, sa lalong madaling panahon ay sasailalim ang
kanyang ina sa isang medical procedure to make sure na wala nang
peligro sa kalusugan nito.

Kaya ngayon, hindi na isinasama ni Yasmien sa kanyang showbiz
commitments, `tulad ng shootings at tapings, ang kanyang ina. Ito
raw ay para makapagpahinga ang mommy niya at makatulog nang maaga sa
gabi.

Dgadag niya, "Kasi may mga friends din siya. May buhay din siya.
Hindi naman puwedeng puro ako yung tututukan niya. Alam mo yun? May
buhay din naman yung nanay ko. Hindi naman kailangang anak na lang
niya lagi yung aasikasuhin niya."

Magiging dalawa na ang regular shows ni Yasmien sa GMA-7. Ang drama
series na Babangon Ako't Dudurugin Kita sa primetime block at ang
fantaserye na Tasya Fantasya na magsisimula na sa Sunday, April 6.

_________,_.___

May sakit daw si Yasmien Kurdi noong Sabado kaya kahit nangako,

hindi pa rin nakarating sa Shine concert na produced and directed ni
Jun Lalin. Hopefully, magkaayos din ang showbiz writer at ang bida
ng Babangon Ako't Dudurugin Kita at Tasya Fantasya, na April 6 na
ang pilot telecast.

____

PALABAN na rin si Yasmien Kurdi.

`Kuya' ang tawag ni Yasmien sa kanyang co-star and partner sa GMA
Telebabad na Babangon Ako't Dudurugin Kita na si Marvin Agustin but
that doesn't stop her from doing her work as an actress.

Tonight, ikakasal ang mga characters nila sa nasabing soap directed
by Joel Lamangan, sina Salve at Alfred.

Sa wedding scene with an accompanying picture pa, Yasmien allowed
Marvin to kiss her in the lips da-hil mag-asawa na nga sila.

Matatagalan pa bago magkita ang mga characters nina Yasmien and JC
de Vera na nakadikit pa ang kuwento sa kaniyang inang si Dina
Bonnevie. Hindi pa nga rin pumapasok si Angelika dela
Cruz na magiging dahilan ng pag-hihiwalayan nina Yasmien and Marvin,
eh.

Babangon Ako't Dudurugin Kita airs right after Kamandag sa GMA
Telebabad.


Yasmien-Rainier, magkaibigan pa rin

Joe Barrameda

Aminado si Rainier Castillo na mas may hatak ngayon ang tambalang JC
de Vera-Yasmien Kurdi kumpara sa tambalan nila ni Yasmien.

Kung titignan daw ay sa heavy drama umaariba ang tambalan nina Yas
at JC, samantalang sa comedy o light drama ang tambalan nila ni
Yasmien.

Hindi pa naman daw nagbabago ang kung ano mang relasyon meron sila
ni Yasmien bilang magkaibigan. Natutuwa si Rainier na nag-resume at
ipalalabas na ang Tasya Fantasya sa Abril 6 (Linggo).

Matagal na natengga ito matapos ang ilang araw na pagte-taping nito
noon.
Sa kuwento ni Direk Mac Alejandre, mas pinaganda nila ito na
ikatutuwa ng mgamanonood.

Iba ang tema ng Tasya Fantasya sa telebisyon kumpara sa pelikula
noon na Kris Aquino ang bida.

Natanong din si Rainier sa himutok ng dating girlfriend na si Sheena
Halili na hanggang ngayon ay wala pa raw silang closure.

Sabi ni Sheena, bigla na lang nawala ang relasyon nila sa dahilang
hindi niya alam hanggang sa ngayon.

Sabi naman ni Rainier, alam ni Sheena iyon at impossible na basta na
lang sila maghihiwalay nang walang dahilan. Ipinagdiinan ni Rainier
na may mga dahilan pero ayaw niyang magsalita tungkol dito.

Bilang isang lalaki, ayaw ni Rainier na sa kanya pa manggaling kung
ano man ang namagitang hindi maganda sa kanila ni Sheena.

May kuwento pa si Rainier na sa isang taping ng Takeshi's Castle ay
nagkasabay sila ni Sheena at magkalaban sila sa games.

Hindi man sila nagpansinan ay parang may mga parinig daw si Sheena.
May pangyayari raw na hindi sinasadya ay nasiko o natamaan ni Ryza
Cenon si Sheena.

Ang lumabas daw sa bibig ni Sheena ay parang P1M ang pinaglalabanan
nila na nagkakasakitan na sila.

Tinawagan namin si Ryza para kunin ang panig niya tungkol dito pero
hindi namin siya makontak.


_____


Yasmien nagpaalam kay Kris para maging Tasya
Hindi naman nahihirapan si Yasmien Kurdi kahit mayroon siyang
magkaka­sabay na dalawang series sa TV, ang tumatakbong Babangon
Ako't Dudurugin Kita at ang magsisimulang Tasya Fantasya sa Abril 6,
parehong sa GMA 7.

"Nakaka-inspire pa nga dahil kahit nagkakasunud- sunod at
nagkakasabay ang mga shows ko, hindi nagkakapare- pareho ang mga
roles ko, hindi nakakasawa."

Like Dudurugin... and Tasya, drama yung isa, comedy naman itong
bago. At nagsisilbing breaker sa walang katapusang pag-iyak. But I
am not com­plaining, parang medicine din ito, lahat ng sakit ko sa
puso nailalabas ko sa iyak," paliwanag ni Yasmien.

Tasya Fantasy is a komiks series ni Carlo Caparas na ginawang
pelikula nun starring Kris Aquino. Bagaman at hindi ito gaanong
nagtagumpay sa takilya, hindi ito naging hadlang para hindi ito
gawing serye ng GMA dahil naniniwala ito na magbibigay aliw ito sa
mga manonood.

Bago gawin ni Yasmien ang serye ay tinawagan pa muna niya si Kris to
inform her na siya ang gaganap sa role. Balak din sana niyang
manghiram dito ng video ng movie para mapag-aralan niya pero walang
naitago si Kris.

Si Yasmien ang nag-iisang choice ng Siete para gumanap sa role.
Reunion nila ito ni Rainier but she has another love interest, si
Wendell Ramos.

____
Yasmien, dalawa ang lalake!

(RUEL MENDOZA)


PROBLEMADO si Yasmien Kurdi dahil sa mga nag-aaway niyang fans.

Kuwento ni Yasmien, nagkaroon daw ng matinding away ang mga fans
niya dahil sa mga leading men niyang sina JC de Vera at Rainier
Castillo.

Ayon kay Yasmien, sa internet blogs nga raw nagkakaroon ng away ang
kanyang mga fans at minsan daw ay hindi na raw nakakatuwa ang pag-
aaway nila.

"Ako `yung affected kasi nga `yung mga fans ko nag-aaway dahil kina
JC at Rainier. May iba na gusto si JC, `yung iba naman gusto si
Rainier. Hayun nagbabangayan sila sa mga blog sites. Nakakalokah nga
kasi wala naman akong puwedeng kampihan. Kailangan balance ako sa
kanila, `di ba?" sabi ni Yasmien, ang bida sa Tasya Pantasya ng GMA
7.

Gusto nga raw makipag-meeting ni Yasmien sa kanyang mga fans, lalo
na sa mga maka-JC at sa mga maka-Rainier. Gusto raw niyang
magkasundo ang dalawang grupo.

"Sinabi ko naman sa kanila na kahit kanino ako i-partner, hindi
dapat sila nag-aaway. Tulad sa mga fans namin ni Rainier, tanggapin
na nila na okey kami ni JC bilang partners.

"At sa mga fans namin ni JC, maging okey naman sa kanila na muli
kaming magtatambal ni Rainier. Mas maganda kung lahat masaya, `di ba?

Ayoko nang may mga nag-aaway kasi."

Biniro tuloy si Yasmien na saksakan ng haba ng hair nito dahil dala-
dalawa ang lalake niya ngayon. May pang-primetime siya via Babangon
Ako't Dudurugin Kita at may pang-Linggo ng hapon via Tasya Pantasya.

"Naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Long hair ako ngayon! Naaapa­kan na nga ng
kung sinu-sino! Ha! Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa ni Yasmien.

"Itong Tasya Pantasya naman kasi, last year pa namin ito nasimulan.

Nakapag-taping na kami ng ilang eksena at akala namin `di na
matutuloy.

Kaya hindi ito biglaan, eh. Talagang nakaplano na ito sa amin ni
Rainier.

"Nagkataon lang siguro na click din kami ni JC. Kasi nga nagkaroon
kami ng following noong Pati Ba Pintig Ng Puso at sa Pa­san Ko Ang
Daigdig. Kumbaga si JC pang-serious drama. Si Rainier, pang ganito
na light-comedy. "

Nasabi nga ni Rainier na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang
paghanga nito sa kanya. Claim nga ni Rainier ay wala raw itong
nililigawan ngayon at handa na siyang maging seryoso kay Yasmien.
Ano reaction niya?

"Gano'n? Si Rainier magiging serious sa akin? Ha! Ha! Ha! Ha!" sabay
tawa niya.

"Sorry kung natawa ako kasi parang hindi yata si Rainier iyong
magiging serious. I mean, sa panliligaw kasi para lang kaming
magbarkada niyan, eh.

"Si Rainier kasi, kapag kailangan ko ng makakakuwentuhan na hindi
mabo-bore sa akin, siya iyon. Kapag kailangan ko nang kabi­ruan, si
Rainier din iyon.

"Para lang kaming mga bata na naglalaro kaya parang hindi na si
Rainier `yung magiging serious. Siguro mature na nga kami kaya
gano'n na siya magsalita ngayon.

"Well, tingnan natin kung totoo nga iyong sinasabi niya. Sana walang
magalit, `di ba? Ha! Ha! Ha! Ha! O wala akong mine-mention na
pangalan, huh! Ha! Ha! Ha! Ha!" natatawang pagtatapos ni Yasmien
Kurdi.
___
YASMIEN WELCOMES RAINIER BACK


YASMIEN Kurdi welcomes her reunion with first love team mate, Rainier
Castillo, in "Tasya Fantasya" with open arms. She has had good working
relationship with Rainier in the past and they've remained good
friends, even as Yasmien is now linked to JC De Vera. "Trabaho lang po
ito," she says.

Meanwhile, Yasmien is happy that she is given the necessary breaks for
her to attain her goal. While she does not admit that it is JC who
gives her the inspiration, she says she is happy to be his screen
partner. Her mother, she says, is her number one source of strength
and inspiration now. Yas wants to give her mom, who had been
separated from her dad since she was young, the best life. This is the
reason why she is striving so hard, and hoping for more heavy roles
like in "Babangon Ako't Dudurugin Kita."
_____

IBINABALIK ng GMA-7 ang tambalan nina Yasmien Kurdi at Rainier

Castillo sa fantaseryeng Tasya Fantasya, na mapapanood sa April 6
after SOP at sa ilalim ng direksyon ni Mac Alejandre.

Kahit matagal nang hindi nagkakasama, kampante ang dalawa, lalo na
ang young actor, na muling susuportahan ang loveteam nila ng young
actress.

May hirit si Rainier na mas enjoy ang tao sa kanila ni Yasmien,
dahil 'di lang drama ang ginagawa nila, may comedy din. Hindi rin
siya naniniwalang on sina Yas at JC de Vera, kaya wala siyang dapat
ipagselos.

Bakit nga ba hindi natuloy ang panliligaw niya sa kapareha?

"Hindi ko rin alam. Siguro, hindi namin nadamang mahal namin ang
isa't isa at mas mahal namin ang aming trabaho."

Nakiusap naman si Yasmien sa fans ng loveteam nila ni Rainier at
supporters nila ni JC na 'wag mag-aaway at pareho silang may
aabangan.

Ang Tasya Fantasya ay para sa may gusto sa kanila ni Rainier at ang
Babangon Ako't Dudurugin Kita ay para sa gusto sila ni JC.

Speaking of Tasya Fantasya, dalawang buntis din ang kasama sa cast,
sina Gladys Reyes at Alicia Mayer.

Ayon kay Alicia, kahit hindi pa gaanong halata ang tiyan niya, may
nakahanda na siyang pangalan sa magiging panganay.

Kung babae raw, ang second name ay "Angelique," at kung lalaki
naman, "Kaleb."

________

Rainier iniiwasan ni Yasmien sa taping
By: Noel Asiñas
Cut!

AYON sa tsika sa amin ng isang staff ng Tasya Fantasya very
careful si Yasmine Kurdi sa pakikitungo ngayon sa ka-love team na
si Rannier Castillo. Magkatambal muli ang dalawa sa Tasya na
mapapanood tuwing hapon sa GMA after SOP.

Ibinabalik ng GMA 7 ang tambalan ng dalawa na namukadkad noong
panahon ng StarStruck. Maraming soap din ang kanilang pinagsamahang
da-lawa. Ang huli ay sa Bakekang.

Sa set, hindi naman sila naiilang sa isa't isa pero ingat na ingat
si Yasmien na kausapin si Rainier. Umiiwas kaya siya dahil ayaw
niyang ma-hurt si JC de Vera?

Anyway, sa April 6 na magsisimula ang Tasya Fantasya. Kasama rin
dito sina Wendell Ramos, Gladys Reyes, Alicia Mayer, Mura at
Vangie Labalan.

0 comments:

 
Kurdinian Defense Force - © 2007 Template feito por Templates para Você