ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7 ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7

Saturday, March 29, 2008

It's all about TASYAFANTASYA

Did you see yazzie on chickaminute yesterday wearing her fairy costume? She looked so freshly beautiful and young wahhhh! Anyway i saw her with Rain and it felt strange. Been too long since their last and it really felt different.

Anyway here are the Tasya articles coming in this day.

___

Hindi naman nahihirapan si Yasmien Kurdi kahit mayroon siyang
magkaka­sabay na dalawang series sa TV, ang tumatakbong Babangon
Ako't Dudurugin Kita at ang magsisimulang Tasya Fantasya sa Abril 6,
parehong sa GMA 7.

"Nakaka-inspire pa nga dahil kahit nagkakasunud- sunod at
nagkakasabay ang mga shows ko, hindi nagkakapare- pareho ang mga
roles ko, hindi nakakasawa."

Like Dudurugin... and Tasya, drama yung isa, comedy naman itong
bago. At nagsisilbing breaker sa walang katapusang pag-iyak. But I
am not com­plaining, parang medicine din ito, lahat ng sakit ko sa
puso nailalabas ko sa iyak," paliwanag ni Yasmien.

Tasya Fantasy is a komiks series ni Carlo Caparas na ginawang
pelikula nun starring Kris Aquino. Bagaman at hindi ito gaanong
nagtagumpay sa takilya, hindi ito naging hadlang para hindi ito
gawing serye ng GMA dahil naniniwala ito na magbibigay aliw ito sa
mga manonood.

Bago gawin ni Yasmien ang serye ay tinawagan pa muna niya si Kris to
inform her na siya ang gaganap sa role. Balak din sana niyang
manghiram dito ng video ng movie para mapag-aralan niya pero walang
naitago si Kris.

Si Yasmien ang nag-iisang choice ng Siete para gumanap sa role.
Reunion nila ito ni Rainier but she has another love interest, si
Wendell Ramos.

* * *

Yasmien-Rainier, magkaibigan pa rin

Joe Barrameda

Aminado si Rainier Castillo na mas may hatak ngayon ang tambalang JC
de Vera-Yasmien Kurdi kumpara sa tambalan nila ni Yasmien.

Kung titignan daw ay sa heavy drama umaariba ang tambalan nina Yas
at JC, samantalang sa comedy o light drama ang tambalan nila ni
Yasmien.

Hindi pa naman daw nagbabago ang kung ano mang relasyon meron sila
ni Yasmien bilang magkaibigan. Natutuwa si Rainier na nag-resume at
ipalalabas na ang Tasya Fantasya sa Abril 6 (Linggo).

Matagal na natengga ito matapos ang ilang araw na pagte-taping nito
noon.
Sa kuwento ni Direk Mac Alejandre, mas pinaganda nila ito na
ikatutuwa ng mgamanonood.

Iba ang tema ng Tasya Fantasya sa telebisyon kumpara sa pelikula
noon na Kris Aquino ang bida.

Natanong din si Rainier sa himutok ng dating girlfriend na si Sheena
Halili na hanggang ngayon ay wala pa raw silang closure.

Sabi ni Sheena, bigla na lang nawala ang relasyon nila sa dahilang
hindi niya alam hanggang sa ngayon.

Sabi naman ni Rainier, alam ni Sheena iyon at impossible na basta na
lang sila maghihiwalay nang walang dahilan. Ipinagdiinan ni Rainier
na may mga dahilan pero ayaw niyang magsalita tungkol dito.

Bilang isang lalaki, ayaw ni Rainier na sa kanya pa manggaling kung
ano man ang namagitang hindi maganda sa kanila ni Sheena.

May kuwento pa si Rainier na sa isang taping ng Takeshi's Castle ay
nagkasabay sila ni Sheena at magkalaban sila sa games.

Hindi man sila nagpansinan ay parang may mga parinig daw si Sheena.
May pangyayari raw na hindi sinasadya ay nasiko o natamaan ni Ryza
Cenon si Sheena.

Ang lumabas daw sa bibig ni Sheena ay parang P1M ang pinaglalabanan
nila na nagkakasakitan na sila.

Tinawagan namin si Ryza para kunin ang panig niya tungkol dito pero
hindi namin siya makontak.
____

Yasmien, dalawa ang lalake!

(RUEL MENDOZA)


PROBLEMADO si Yasmien Kurdi dahil sa mga nag-aaway niyang fans.

Kuwento ni Yasmien, nagkaroon daw ng matinding away ang mga fans
niya dahil sa mga leading men niyang sina JC de Vera at Rainier
Castillo.

Ayon kay Yasmien, sa internet blogs nga raw nagkakaroon ng away ang
kanyang mga fans at minsan daw ay hindi na raw nakakatuwa ang pag-
aaway nila.

"Ako `yung affected kasi nga `yung mga fans ko nag-aaway dahil kina
JC at Rainier. May iba na gusto si JC, `yung iba naman gusto si
Rainier. Hayun nagbabangayan sila sa mga blog sites. Nakakalokah nga
kasi wala naman akong puwedeng kampihan. Kailangan balance ako sa
kanila, `di ba?" sabi ni Yasmien, ang bida sa Tasya Pantasya ng GMA
7.

Gusto nga raw makipag-meeting ni Yasmien sa kanyang mga fans, lalo
na sa mga maka-JC at sa mga maka-Rainier. Gusto raw niyang
magkasundo ang dalawang grupo.

"Sinabi ko naman sa kanila na kahit kanino ako i-partner, hindi
dapat sila nag-aaway. Tulad sa mga fans namin ni Rainier, tanggapin
na nila na okey kami ni JC bilang partners.

"At sa mga fans namin ni JC, maging okey naman sa kanila na muli
kaming magtatambal ni Rainier. Mas maganda kung lahat masaya, `di ba?

Ayoko nang may mga nag-aaway kasi."

Biniro tuloy si Yasmien na saksakan ng haba ng hair nito dahil dala-
dalawa ang lalake niya ngayon. May pang-primetime siya via Babangon
Ako't Dudurugin Kita at may pang-Linggo ng hapon via Tasya Pantasya.

"Naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Long hair ako ngayon! Naaapa­kan na nga ng
kung sinu-sino! Ha! Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa ni Yasmien.

"Itong Tasya Pantasya naman kasi, last year pa namin ito nasimulan.

Nakapag-taping na kami ng ilang eksena at akala namin `di na
matutuloy.

Kaya hindi ito biglaan, eh. Talagang nakaplano na ito sa amin ni
Rainier.

"Nagkataon lang siguro na click din kami ni JC. Kasi nga nagkaroon
kami ng following noong Pati Ba Pintig Ng Puso at sa Pa­san Ko Ang
Daigdig. Kumbaga si JC pang-serious drama. Si Rainier, pang ganito
na light-comedy. "

Nasabi nga ni Rainier na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang
paghanga nito sa kanya. Claim nga ni Rainier ay wala raw itong
nililigawan ngayon at handa na siyang maging seryoso kay Yasmien.
Ano reaction niya?

"Gano'n? Si Rainier magiging serious sa akin? Ha! Ha! Ha! Ha!" sabay
tawa niya.

"Sorry kung natawa ako kasi parang hindi yata si Rainier iyong
magiging serious. I mean, sa panliligaw kasi para lang kaming
magbarkada niyan, eh.

"Si Rainier kasi, kapag kailangan ko ng makakakuwentuhan na hindi
mabo-bore sa akin, siya iyon. Kapag kailangan ko nang kabi­ruan, si
Rainier din iyon.

"Para lang kaming mga bata na naglalaro kaya parang hindi na si
Rainier `yung magiging serious. Siguro mature na nga kami kaya
gano'n na siya magsalita ngayon.

"Well, tingnan natin kung totoo nga iyong sinasabi niya. Sana walang
magalit, `di ba? Ha! Ha! Ha! Ha! O wala akong mine-mention na
pangalan, huh! Ha! Ha! Ha! Ha!" natatawang pagtatapos ni Yasmien
Kurdi.

__._,_.___

YASMIEN WELCOMES RAINIER BACK

YASMIEN Kurdi welcomes her reunion with first love team mate, Rainier
Castillo, in "Tasya Fantasya" with open arms. She has had good working
relationship with Rainier in the past and they've remained good
friends, even as Yasmien is now linked to JC De Vera. "Trabaho lang po
ito," she says.

Meanwhile, Yasmien is happy that she is given the necessary breaks for
her to attain her goal. While she does not admit that it is JC who
gives her the inspiration, she says she is happy to be his screen
partner. Her mother, she says, is her number one source of strength
and inspiration now. Yas wants to give her mom, who had been
separated from her dad since she was young, the best life. This is the
reason why she is striving so hard, and hoping for more heavy roles
like in "Babangon Ako't Dudurugin Kita."

_______


IBINABALIK ng GMA-7 ang tambalan nina Yasmien Kurdi at Rainier
Castillo sa fantaseryeng Tasya Fantasya, na mapapanood sa April 6
after SOP at sa ilalim ng direksyon ni Mac Alejandre.

Kahit matagal nang hindi nagkakasama, kampante ang dalawa, lalo na
ang young actor, na muling susuportahan ang loveteam nila ng young
actress.

May hirit si Rainier na mas enjoy ang tao sa kanila ni Yasmien,
dahil 'di lang drama ang ginagawa nila, may comedy din. Hindi rin
siya naniniwalang on sina Yas at JC de Vera, kaya wala siyang dapat
ipagselos.

Bakit nga ba hindi natuloy ang panliligaw niya sa kapareha?

"Hindi ko rin alam. Siguro, hindi namin nadamang mahal namin ang
isa't isa at mas mahal namin ang aming trabaho."

Nakiusap naman si Yasmien sa fans ng loveteam nila ni Rainier at
supporters nila ni JC na 'wag mag-aaway at pareho silang may
aabangan.

Ang Tasya Fantasya ay para sa may gusto sa kanila ni Rainier at ang
Babangon Ako't Dudurugin Kita ay para sa gusto sila ni JC.

Speaking of Tasya Fantasya, dalawang buntis din ang kasama sa cast,
sina Gladys Reyes at Alicia Mayer.

Ayon kay Alicia, kahit hindi pa gaanong halata ang tiyan niya, may
nakahanda na siyang pangalan sa magiging panganay.

Kung babae raw, ang second name ay "Angelique," at kung lalaki
naman, "Kaleb."


Friday, March 28, 2008

God bless KDFBetchay and new baby!

Our very own super active defender, beloved BETCHAY deserves all the wonderful blessings!
KDF BETCHAY was on labor room. There's a new KDF baby coming !
Happy new baby betchay and family. Happy new baby dear! God Bless You always!

KDF HUGS!

Once again the old Loveteam

Together again after SOP YASRAIN!

I never heard of double loveteams to handle. This sounds so unfamiliar. There are countless loveteams who might have change of partners nxt year or two or after working on some projcts together. But not like this one.

Loveteams are so tightly protected supposedly but this time GMA7 ventures on having yazzie play sweety with two guyz in two separate soaps. hmmm

So strange but anyway i love to see it where yazzie is!
_____
Rainier iniiwasan ni Yasmien sa taping

By: Noel Asiñas
Cut!

AYON sa tsika sa amin ng isang staff ng Tasya Fantasya very
careful si Yasmine Kurdi sa pakikitungo ngayon sa ka-love team na
si Rannier Castillo. Magkatambal muli ang dalawa sa Tasya na
mapapanood tuwing hapon sa GMA after SOP.

Ibinabalik ng GMA 7 ang tambalan ng dalawa na namukadkad noong
panahon ng StarStruck. Maraming soap din ang kanilang pinagsamahang
da-lawa. Ang huli ay sa Bakekang.

Sa set, hindi naman sila naiilang sa isa't isa pero ingat na ingat
si Yasmien na kausapin si Rainier. Umiiwas kaya siya dahil ayaw
niyang ma-hurt si JC de Vera?

Anyway, sa April 6 na magsisimula ang Tasya Fantasya. Kasama rin
dito sina Wendell Ramos, Gladys Reyes, Alicia Mayer, Mura at
Vangie Labalan.

BADK starting to heat up

The heat is just starting! Wahhh i saw yazzie for the first time this week on BADK. The cutie child has grown into a pretty yazzie. verry pretty even in rags. hehe! Well, not just pretty
if you could see the first glimpse of teary moments from Salve.

Guyz check out mrproko of youtube as he uploads Babangon episodes. Message him and extend gratitude so it would inspire him as well to keep uploading the episodes.

I'll be busy next week huhu but i promise soon i'll come up with episode stories here so you can check if you get to have unbalanced sched, so you won't ever miss out! :)

I believe the ratings will go up as Salve gets uncovered in the story.

Cheers KDF!

MY UNSEEN FATE ON THE PILOT EPISODE NIGHT OF BADK

What do i say? whoahhhhhhhh sorry i've been too busy to be here. Plus! i got caught in an unexpected series of misfortune just days before BADK was going to start. 1. Omg! globelines stopped working and i found out somethin got broken because of a fire that broke out nearby my place. :( I was told i was going to have my internet back in 24-48 hours. Well, they proved to be so more than true to their word though. They got it fixed less than 48 hours. But, here comes another hurdle. 2. Power shortage in my area went like crazy. Scheduled brownouts came and in our phase it was from 9am to 12 mn! yes 12mn! wahhhhhh :(

I never expected my March 24 to be that way. Lurkin in a miserably dark spot wondering what happened to the pilot episode and then watchin at the starlights. Well, i'd advice go stargazing when there's no power at home. When the streets and homes are silent and empty and really pitch dark...there's a magnifecent world up there which glitters more beautifully than ever. Ohh at least that gave me a great night. It consoled me from my frustrations of no tv just when i needed it most.

I yanked myself nights in a row without my ever-awaited BADK i could cry but hmmm God gave me piece of happiness while watchin the stars sparkle. Then i made a wish.

That wish came true sooner. :)

in case you want to go through old badk news last week


What Dina and Yasmien have in common
By: Mario E. Bautista
Yasmien Kurdi FREEHANDYASMIEN Kurdi confesses she has mixed feelings playing the lead role in the primetime soap "Babangon Ako't Dudurugin Kita" that started last night after "Kamandag." "I'm happy that GMA-7 trusted me and gave me this break but I'm also nervous as this is a test kung kaya ko na talagang magbida sa primetime dahil puro afternoon lang ang soaps namin ni JC De Vera before," she says. "This is a big challenge for both of us and I'm praying that viewers will support `Babangon Ako' like they did with `Marimar'."How is it working with Dina Bonnevie? "I must admit I was nervous before meeting her kasi kilala siyang magaling na artista na marami nang awards. But it turned out ang bait pala niya. Now, sobrang love ko na siya. Nag-click kami kasi Lebanese ang boyfriend niya, si Mr. Habib Shammas. E, di ba my dad is Lebanese, so nakaka-relate ako sa kanya. When they had a Lebanese gathering, they invited me. Enjoy kami working together sa set at merong magandang twist about our relationship in the story."We heard she has a hot love scene with Marvin Agustin in "Babangon Ako". "Oh yes, as in laplapan to the max talaga. Ayoko sana but Direk Joel Lamangan said we play husband and wife in the story kaya dapat realistic talaga. E, lagi kong naiisip `yung movies noon ng Marvin-Jolina love team that I watched as a kid, tapos heto, ka-love scene ko na si Marvin at talagang kuya pa rin ang tingin ko sa kanya. Inisip ko na lang na I'm just playing a character, si Salve. At saka, I'm playing a more mature role naman kaya walang malisya sa ginagawa ko."Does she think she can equal or edge out the ratings of "Marimar"? "Naku, i-compare daw ba naman kami sa `Marimar'. All I can say is confident kami nina Direk Joel na maganda ang show namin. Kami lang ang primetime show ngayon na walang pantasya. Walang taong ahas, walang mga tattoong nabubuhay, walang mga asong nagsasalita. I'm sure maa-appreciate naman nang husto ng viewers ang efforts namin to come up with a good show."What can she say to the observation that she has now surpassed the career of Jennylyn Mercado, to whom she was just a runner-up in the first StarStruck? "Ay, don't compare us na lang. Kawawa na nga siya as she's pregnant pa. I'm sure makaka-recover pa rin siya."


Yasmien Kurdi finds Robin Padilla hotRommel
GonzalesMonday, March 24, 200807:23 AMRating

May pressure ngayon kay Yasmien Kurdi. Hindi kasi biro ang show na papalitan ng bagong soap nilang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Marami ang nagsasabing mahirap tapatan ang taas ng ratings na inani ng Marimar habang nasa ere pa ito noon. "Okey lang po, basta ako just have confidence sa sarili ninyo. Sa amin, magaling naman po yung director namin, yung writers namin, yung staff namin, lahat ng artista, co-actors at co-workers ko. "I just leave it all to God, hinahayaan ko na lang po sa kanya, na without any second thoughts. Siyempre `di ba `pag nag-pray kayo at humiling kayo sa kanya, hindi na kayo mag-aalinlangan sa prayer ninyo? Kasi ibig sabihin ganun yung trust ninyo kay God," pahayag ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal) recently. ROBIN IS HOT. Inamin ni Yasmien sa PEP na crush niya ang Joaquin Bordado star na si Robin Padilla. In fact, kapag nag-krus daw ang kanilang landas, lalapitan daw ito ni Yasmien at magpapakila siya. "`Hello po. I'm Yasmien po, fan ninyo po ako,' ganun. `I adore you. I find you hot,'" kuwento ni Yasmien sa amin kung paano siya magpapakilala kay Binoe. Sobra ang paghanga ni Yasmien kay Robin, lalo na sa pisikal na kaanyuan nito at pangangatawan. Aniya, kahit may asawa na at mga anak (na halos kaedad na raw niya) na si Robin, napanatili nito ang magandang pangangatawan, as shown in Joaquin Bordado. "In-admire ko lang talaga na for his age hot pa rin siya, na daddy na siya, hot pa rin siya," pahayag pa ni Yasmien. HOW ABOUT JC? Dahil vocal siya sa paghanga kay Robin, hindi kaya magselos si JC na balitang ka-M.U. niya ngayon? "M.U.? Yeah, I guess may understanding, kasi nag-uusap naman kami sa phone, like nagte-text siya sa akin kung ano'ng ginagawa ko, ganun, normal. Pero bakit naman siya magseselos? Hindi yun magseselos," paniniguro pa ni Yas. How about yung napabalitang flight attendant na boyfriend daw ni Yasmien talaga? Baka iyon naman ang magselos. "Wala akong boyfriend. Wala po. Period."
____
JC de Vera on Yasmien Kurdi: "Hindi porke't magka-love team kami, kailangang maging kami."Rommel GonzalesMonday, March 24, 200810:43 AMRatingSince pangatlo na nilang tambalan nina JC de Vera at Yasmien Kurdi ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, na magsisimula ngayong gabi, March 24, hindi na napi-pressure si JC. Ang pinagkaiba nga lang daw ay sa primetime na sila ngayon mapapanood dahil pang-hapon ang Pati Ba Pintig ng Puso? at Pasan Ko ang Daigdig. "Wala, e, dahil si Direk Joel [Lamangan] pa rin ang direktor namin at si Yas pa rin yung ka-partner ko," sabi ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At yun nga, iba ang audience ng primetime. Pero yung confidence na dapat makuha namin, nakuha talaga namin ni Yas through our staff, director." KISSING SCENES. Pabor naman si JC na ka-triangle nila ni Yasmien sa Babangon Ako't Dudurugin Kita si Marvin Agustin para raw mas lalong mahasa ang young actress by having different screen partners. Ayon sa young actor, makakatulong daw ito para makadiskubre si Yasmien ng bago at naiibang experience na ibang aktor ang kaeksena at kapareha at hindi lang laging siya. Wala naman dapat ikaselos si JC dahil di hamak daw na mas matagal ang kissing scenes nila ni Yasmien sa past projects nila kesa sa mga kissing scenes ng young actress kay Marvin. Dapat lang raw na mas matagal ang kissing scenes nila dahil sila naman talaga ang mag-partner. Hindi raw papayag si JC na mas matagal ang halikan nina Yasmien at Marvin. Natatawang sinabi pa ni JC na lugi na nga raw siya dahil si Yasmien lang ang naka-kissing scene niya, habang si Marvin ay may intimate scenes sa tatlong babaeng kasama sa naturang drama program—sina Yasmien, Angelika dela Cruz, at Jenny Miller. PERSONAL DIFFERENCES. Nang tanungin ng PEP si JC kung sino ang nililigawan niya ngayon, wala raw dahil wala naman siyang oras na makapanligaw sa sobrang busy ng kanyang schedule. Nang tanungin naman kung bakit hindi pa rin niya dinidiretso ang panliligaw kay Yasmien para maging sila na at hindi hanggang mutual understanding lang ang namamagitan sa kanila, sinabi ni JC na may personal issues sila ni Yasmien na hindi niya kayang ipaliwanag. Pero nilinaw ng binata na walang kinalaman ang pagkakaiba ng kanilang religion—Catholic si JC, Iglesia Ni Cristo member naman si Yasmien—sa personal issues nila ni Yasmien. "Hindi sa hindi kami magkasundo.. . Kung hindi kami magkasundo, e, di sana hindi kami tatagal? Basta meron kaming personal differences na once na pinilit mo, sasabog," paliwanag ni JC. Hinihintay lang daw muna nilang mag-grow ang feelings nila for each other. "Yung relax lang, be casual lang, walang pilitan na lang," sambit ni JC. "Kasi yun yung gusto ko sanang sabihin sa mga fans, na hindi naman totally kailangang maging kami talaga for our loveteam to work. "Hindi porke't magka-love team kami, kailangang maging kami. Pero puwede naman naming ipakita sa show na kaya naming mag-work as loveteam. Magaling si Yas, kaya kong galingan. Puwede naman maging ganun. So yung tungkol sa pagiging kami, plus factor na lang 'yon siguro. Pero sa amin kasi, hindi issue sa amin ni Yas 'yon, e." Pero aminado si JC na pareho sila ni Yasmien na kinikilig sa isa't isa kapag magkasama. Dahil may mga moments na malambing sa kanya si Yasmien, hindi mapigilan ng binata na kiligin kahit lalake siya. And yes, madalas nilang lambingin ang bawat isa.
_________
JC, mas type ang karne kesa kay Yasmien!

ITINANGGI ni JC de Vera na nakatikim siya ng pagtataray mula kay Direk Joel Lamangan, at lalo na kay Dina Bonnevie.Sabi ni JC, sa simula ay naisip niya na baka hindi siya pansinin ni Dina sa taping nila ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ng GMA 7, pero nagkamali siya."Hindi po nakakatakot si Ms. D. (Dina). Ang bait nga niya sa amin."Noong una, natakot ako baka kasi isnabin lang ako or tarayan. Pero siya mismo ang nag-reach out sa aming mga bata."Tinatanong niya kami kung anong pangalan namin. Siya `yung nag-start ng conversation. Masaya kami dahil siya ang nag-reach out sa amin."Hindi siya nakakatakot! She's very approachable."Atsaka, alam kasi namin kung paano pakisamahan ang mga artistang katulad ni Ms. Dina. Siyempre, dapat lang na kami ang mag-reach out sa kanila, na batiin namin sila, at irespeto. "Eh, mabait nga si Ms. Dina, kaya masaya kami," kuwento ni JC.Si Yasmien Kurdi pa rin ang kasama ni JC sa Babangon… at ngayon pa lang, sinasabi na ni JC na malabo na magkaroon sila ng relasyon ng dalaga."Sinusunod ni Yasmien ang religion at culture nila, especially `yung sa father niya na Lebanese. Very strict ang mag-two timing sa culture nila."Nakakabilib si Yasmien, kasi talagang sinusunod niya ang sinasabi o paniniwala ng religion niya."Kami ni Yasmien, marami kasi kaming hindi napagkakasunduan."May mga bagay na hindi namin dapat pag-usapan, kasi baka mag-away lang kami. Like, kapag sinabi ko sa kanya na kumain siya ng baboy, kahit biro lang `yon, magdidilim ang paningin niya. Ha! Ha! Ha! Ha!"Kapag nakita niya akong kumain ng barbeque, iba na agad ang tingin niya sa akin. One time, niyaya ko siyang kumain ng meryenda, at nakita niya na dinuguan ang meryenda, nagalit siya sa akin."Basta, anything na may kinalaman sa meat and religion, nagri-react agad si Yasmien. Sensitive siya roon!"`Yung pagiging malusog niya, okey lang `yun sa akin. Unang-una, cute naman si Yasmien, at bagay sa kanya."Pero pagdating sa religion at karne, hindi ninyo puwedeng pagtalunan `yon," kuwento ni JC.Sabi pa rin ni JC, wala rin siyang planong magka-girlfriend ngayon."Puwede kaming magkatuluyan ni Yasmien, kung ready na ako o willing na akong i-give up ang paniniwala ko ngayon at ang religion ko. `Yun bang tipong kung ano `yung ayaw niyang kainin, hindi ko rin kakainin."Eh, hindi puwede sa akin `yon. Sa ngayon, hindi puwede na hindi ako kumain ng meat. Hindi ako puwedeng hindi magsimba tuwing Linggo."Okey naman kami bilang magkaibigan at magka-loveteam."Pero kami ni Yasmien, puwede naming pag-usapan ang lahat ng bagay, basta huwag lang tungkol sa hayop."Pero, bilang katrabaho, wala akong mairereklamo kay Yasmien. Mahusay siyang mag-motivate at very supportive siya."Ayaw kong masira ang magandang samahan namin para lang mapagbigyan ang gusto ng ibang tao na magkatuluyan kami, kahit alam naming magkakaproblema talaga kapag nagkatuluyan kami," sabi na lang ni JC.Well, lumalabas na mas type ni JC na kumain ng karne ngayon, kesa makarelasyon si Yasmien, ha!
__________

TONIGHT na masusubukan ang pang-gabing powers ni-na Yasmien Kurdi and JC de Vera.Mamaya na ang pilot ng Babangon Ako At Dudurugin Kita sa GMA Telebabad, ang first primetime soap ng tambalang Yasmien and JC na proven na ang lakas tuwing hapon with their two Sine Novela in the past. New challenge ito for the pair lalo pa't given the fact na ang slot nilang pinalitan, that of Marimar nina Marian Rivera and Dingdong Dantes na gumawa at sumira ng na-pakaraming records while on air.At this point, wala nang young love team ang GMA-7 sa primetime, so this could be Yasmien and JC na. Kapuso network is doing everything to help them dahil the soap is directed by multi-awardee director Joel Lamangan na magbabalik GMA-7 primetime din with this plus the return of Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez and Angelika dela Cruz as Kapu-so stars din meron pang Marvin Agustin at Patrick Garcia.At eto ang maganda, ma-kakatapat ni Yasmien ang da-ti niyang ka-MU, si Jake Cu-enca, so sino kaya ang madu-durog?


_____

Napanood ni Yasmien Kurdi ang isa sa maraming halikan nina Marvin Agustin at Jenny Miller sa Babangon Ako't Dudurugin Kita at na-shock daw siya sa sobrang passionate noon. Ang tsika ng bagets, aksidente lang na napanood niya ang eksena't nagbibihis siya nang mapalingon sa dalawa, pero hindi kami naniwala.Ang feeling namin, talagang pinanood ni Yasmien kung paano maghalikan sina Marvin at Jenny para makakuha ng tip kung paano humalik ng tama't sabi ng actor, hindi siya marunong humalik at kailangan pang i-guide.Ang Babangon Ako.., ay isa lang sa magiging regular show ni Yasmien sa GMA-7, dahil sa April, eere na rin ang Sunday show nila ni Rainier Castillo na Tasya Fantasya at regular din siya sa SOP every Sunday. Safe na bang sabihing nalampasan na niya si Jennylyn Mercado na grand winner ng StarStruck 1?"Hindi ganun! Nagkataon lang na buntis si Jen at hindi makapagtrabaho ng husto. I'm sure, marami ring plano sa kanya ang GMA after niyang manganak. Saka, siya pa rin ang reyna sa batch namin," sagot nito.Payag si Yasmien na magninang sa baby ni Jennylyn kung kukunin siya, pero hindi siya pupunta sa binyag. Bawal sa kanila (Iglesia Ni Cristo siya) ang pumasok sa Catholic church, kaya magpapa-proxy na lang siya. Pagdating sa needs ng baby, nakahanda siyang tumulong.

Yasmien `di hurt sa sinabi ni RobinSANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Sunday, March 23, 2008 Ginagawang isang isyu ang hindi pagkakakilala ni Robin Padilla kay Yasmien Kurdi. Pero sa halip na magalit o magdamdam, hindi ito big deal kay Yasmien."Okay lang `yun, `di pa naman talaga kami nagkakakilala. Hindi rin ako nagagalit dahil may respeto ako sa kanya bilang isang senior star. At kapag nagkasalubong kami, ako ang lalapit sa kanya para magpakilala, " anang batang aktres na ipinakilala ang sarili niya noon kay Kris Aquino."Dapat ganito ang ginagawa ng mga tulad kong kabataang artista. Kami na dapat ang maunang magbigay respeto sa mga malalaking artista. Dapat hindi kami mahiyang mag-introduce ng aming mga sarili. And later perhaps ask for some helpful tips tungkol sa pag-arte," dagdag pa ni Yasmien na muli ay pinagkalooban ng GMA 7 ng isang mahalagang role sa bago nitong teleserye, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, na sa pelikula ay ginampanan ni Sharon Cuneta.Ang serye na idinidirek ni Joel Lamangan ay nagtatampok sa isang malaking cast na binubuo nina Dina Bonnevie, JC de Vera, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, LJ Reyes at marami pang iba.

ROBIN, HOT `DADDY' NI YASMIEN!ni Dondon Sermino Nagsimula lang ang lahat sa isang interview kay Yasmien Kurdi, at biglang ipinakita sa TV si Robin Padilla sa Joaquin Bordado."May taping ako noon, at biglang ipinakita ang Joaquin Bordado. And then, nasabi ko lang, ang hot ni Bordado, `no!"Tapos, sinulat na nga na hot siya. And then, may nagtanong sa akin, kung ita-tattoo raw ba ang mukha ko sa behind ni Robin, papayag daw ba ako? Sagot ko, siyempre, kasi Robin Padilla siya. Wala na pong makaka-erase noon na siya si Robin Padilla."Honestly, gusto ko siyang makilala. `Yung dating staff ng Pasan Ko Ang Daigdig, sila ang staff ngayon ng Joaquin Bordado. So, puwede ko talagang makilala si Robin."Pero, gusto ko lang linawin na hindi ako ang nagsabi na gusto kong malagay ang mukha ko o name ko sa puwet ni Robin. Ang press na ang nagsabi noon, eh. Ang sagot ko lang, okey lang po," kuwento ni Yasmien.Tinutukso nga na parang matindi ang malisyang nararamdaman ni Yasmien kay Robin."Wala po! Deadma lang ako."Sabi ko lang, he's hot! Ang ganda kasi ng katawan niya for his age. I mean, daddy na siya, at `yung kids niya kasing-edad ko pa, at puwede ko na siyang maging tatay."In-admire ko lang siya na kahit daddy na siya, hot na hot pa rin siya. `Yun lang naman ang sinasabi ko."Sabi ko nga, sana lahat ng daddy katulad ni Robin, na kahit may mga anak na, hot pa rin sila, para naman sa mga asawa nila, `di ba?"Pero `yun nga lang, hindi masyadong kilala ni Robin si Yasmien. At desidido naman si Yasmien na ipakilala ang sarili niya kay Daddy Robin."Magpapakilala talaga ako sa kanya. Sasabihin ko sa kanya, `Hello po, I'm Yasmien Kurdi po, fan n'yo po ako. And I adore you, and I find you hot!'"Pero, wala pong malisya `yon. Humahanga lang ako sa kanya!"Pero, hindi raw kataka-taka na magustuhan ni Robin si Yasmien. Mahilig nga sa mestisa si Robin, `di ba? "Hindi naman po. Wala pong ganu`n. Basta, hinahangaan ko lang siya. Hindi po puwedeng mangyari `yon."Unang-una, kasing-edad ko nga po ang mga anak niya. At napakabata ko pa po para sa ganu`n."I'm sure, hindi naman niya ilalagay rin ang mukha ko o name ko sa puwet niya. Hindi po mangyayari `yon. Hinahangaan ko lang siya," tumatangging pahayag pa ni Yasmien.Siyanga pala, bukas na magsisimula ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, na kung saan ay bida sina Yasmien, Dina Bonnevie, JC de Vera, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, at mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.
______

SA presscon ng bagong GMA teleserye na Babangon Ako't Dudurugin Kita, maraming personal anecdotes si Dina Bonnevie tungkol sa kanyang anak na si Danica, na ngayon ay buntis sa unang baby nila ng asawang si Marc Pingris.Noong honeymoon daw ng bagong kasal, tumawag si Danica kay Dina at sinabi that she misses her mom. Gusto pa nga nito na pa-sunurin siya sa Boracay. Ang complain nga raw ng asawa nitong si Marc, kahit daw noong honeymoon, si Dina ang nasa isip ng kanyang asawa, hindi siya.Kuwento pa ni Dina, after noong honeymoon, inimbita niVic Sotto si Danica na bisitahin siya nito sa kanyang bahay (tulad nang ginagawa ni Danica noong single pa ito), pero hindi raw invited si Marc. Isang araw, sumama si Vic kay Danica na manood ng basketball game ni Marc sa Araneta Coliseum. Panay ang cheer nina Danica at Vic sa basketball player, kung saan nanalo ang Purefoods, ang team ni Mark. After that, in good terms na si Vic with Marc.Dahil buntis si Danica, panay ang tukso ni Ms. D sa kanyang anak na tataba matapos makapanganak, kaya magiging mas sexy na siya kumpara sa anak. Mas magmumukha raw siyang bata. Sabi naman ni Danica, pag-kapanganak niya, she will go on diet and workout para bumalik agad ang kanyang sexy figure. Pero payo ni Ms. D kay Danica, dapat i-breastfeed ni-ya ang kanyang baby bago niya simulan ang magbawas ng excess body weight.Eto pa, hindi raw magpapatawag na lola si Ms. D. Gus-to raw niya na tawagin siya ng kanyang apo ng `Mommy D'. Kahit na malapit na si-yang magka-apo, sexy pa rin naman si Dina, and at 46 ay beautiful pa rin siya.Simula na ang airing ng Babangon Ako't Dudurugin Kita bukas (March 24) sa GMA -7.
______
Huhusgahan na ngayong gabi ang loveteam nina Yasmien Kurdi at JC de Vera sa pagsisimula ng kanilang first primetime drama sa GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, with the able support of Dina Bonnevie, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Ian de Leon, Diana Zubiri, Paolo Contis, LJ Reyes, Jay Aquitania, Jenny Miller and Robert Ortega. May special participation din sina Roi Vinzon, Emilio Garcia, Mart Escudero, Jennica Garcia at Joseph Bitangcol. Original story ito ni Gilda Olvidado at unang dinirek sa pelikula ni Lino Brocka at ginampanan nina Sharon Cuneta, Christopher de Leon at Hilda Koronel. Sa TV remake, idinidirek ito ni Joel Lamangan. Balitang ang pilot week ng teledrama ay napakalaki at isang linggong ginawa ni direk Joel. Mapa­panood ito pagkatapos ng Kaman­dag na siya ring timeslot na iniwan ng Mari­mar. Inaasahan nilang hindi man malam­pasan, mapantayan man lamang ng BADK ang rating na nakuha ng Marimar.
____

Babangon... ' set, nilait ni Dina! By: Nitz Miralles BastaNGAYONG Lunes ang premiere sa GMA-7 ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, ang action-drama sa direksyon ni Joel Lamangan."Puwede" ang sagot ni Direk sa tanong kung ito ang bagong Kung Mawawala Ka, na dinirehe rin niya at hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ng Kapuso viewers dahil sa ganda at impact.Ang pilot week din ang pinakamadugong taping at ikinukuwento mismo ni Dina Bonnevie na hinika siya sa pagod at nalanghap na pulbura mula sa mga baril na ginamit sa execution scene. Bukod sa ingay ng mga baril na sabay-sabay nagputukan, maingay din ang dalawang choppers na ginamit sa eksena. Kakaiba ang role ni Dina bilang Jueteng Queen at namamaril. Enjoy siya at first time niya itong ginawa. Ang reklamo lang nito'y malayo, maputik at marumi ang ibang location. "Napaka-jurassic ng location namin at may dugu-dugo effect pa, pero maganda ang ginawa ni Joel. Pinanood ko ang original movie para makita kung paano ang atake ni Mona Liza (ginagampanan niya) sa role niya, pero malayo na sa original," kuwento ni Dina.Samantala, pabor ang aktres na i-remake ang mga nagawa niyang pelikula at sisimulan ito sa Magdusa Ka, ang hindi lang matutupad ay ang wish niyang makasama siya sa cast. Gusto pa naman nitong gampanan ang role ni Nina Blanca, pero hindi niya kakayanin na maglagare ng taping for BAADK at MK.
___
Idinaan sa biro ni Marvin Agustin ang tanong kung lalamunin ba niya sa eksena si JC de Vera sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Ang balik-tanong nito sa press, may best actor trophy na ba si JC?"Wala pa kaming eksena, pero alam ko, magaling siya. Walang isyung lamunan sa acting, teamwork ito, dapat lahat ay magaling, hindi lang isa, para mas magandang lumabas ang soap at para matuwa si Direk Joel (Lamangan).Napa-"oo nga pala" si Marvin nang ipaalalang magkapatid ang role nila ni Angelika dela Cruz sa Esperanza, pero sa Babangon…, kahalikan na niya ito.
___

DINA A NO SHOW AT `SHOWBIZ CENTRAL'LEAD
stars of "Babangon" Yasmien and JC De Vera took the Hot Seat. Yasmien was asked what's the difference in her relationship with former partner Rainier Castillo and with current one JC. "Rainier is more of just a barkada," she says. "We don't date, unlike kay JC na iba kasi nagdi-date kami at nagbibigayan ng gifts. Si Rainier, kahit minsan, hindi kami nagbigayan ng gifts."JC says, in turn, that "Yas and I are more than friends." Host Pia Guanio asked where their relationship is now, in a scale of 1 to 10. JC says it's in 9.1.Later, Yasmien refused to reveal the Killer Question meant for her and chose to Seal It. JC was more game and decided to reveal his Killer Question: Among your past girlfriends (Pauleen Luna, Aifa of SexBomb, and Michelle Madrigal), sino sa lahat ang pinaka-minahal mo? "Ang hirap nung pinaka," he says. "Iba-iba kasi ang sitwasyon nila." But Pia and Mo Twister were insistent so he revealed that it's Michelle."Sa kanya lang ako umiyak at na-depress nang husto," he adds. "Pero may kulang sa list, si Yas. Sa lahat, siya ang pinaka-thoughtful. May mga ugali siya na di ko nakita dun sa tatlo. Napapa-smile din niya ako."Dina Bonnevie was supposed to be the finale of the show, to be interviewed by Pia, the current girl of her ex-hubby, Vic Sotto. But Dina was a no show. No, she didn't chicken out. She's coming from Bangkok and her trip was delayed. She sent word that she will definitely show up next Sunday to be interviewed by Pia.

all badk news last week

Monday, March 17, 2008

Spot the difference

SA preskon ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita, nabanggit namin kay Yasmien Kurdi na hindi raw siya kilala ni Robin Padilla.

Siya ba, gusto niyang makilala si Robin?

“Yes, why not?” tugon nito.

Okay lang daw na maburda or ipa-tattoo ni Robin ang name niya sa may bandang puwet ng aktor.

“Kasi nasabi kong hot si Robin sa Joaquin Bordado.

Nang tanungin ako kung honor ba na mai-tattoo ang name ko sa puwet niya, sabi ko, siyempre, eh, Robin Padilla ’yan, ’di ba? He’s Robin Padilla at wala nang makakapag-erase nu’n sa history ng Philippine movies,” pag-amin pa nito.

Wow, Robin, starstruck sa iyo ang Yasmien Kurdi!

Anyway, mag-i-start na ang airing ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita on Monday, March 24, sa GMA Telebabad.

________

I read that article ad i think there's a big difference between "hindi ko sha kilala and hindi ko pa sha kilala"

i don't know her

i don't know her yet

go figure

hayz!




badk flooding

The director as storyteller
By Jerry Donato
Monday, March 17, 2008
Babangon Ako’t Dudurugin Kita is a Lino Brocka magnum opus. The best man for the job to recreate it on the small screen is Joel Lamangan, a Brocka actor and tinseltown’s acclaimed storyteller. Babangon is Lamangan’s third outing for GMA 7. He was the main man behind the success of Dramarama sa Hapon soaps Sinasamba Kita and Pasan Ko Ang Daigdig.

Sinasamba and Pasan Ko reigned supreme in the laid-back afternoon block with an average of 20 percent ratings. Many believe that the two shows’ audience share was impressive in a timeslot where many are out for work and only moms and househelpers stay at home. But what challenges the director in Lamangan is how Babangon Ako’t Dudurugin Kita will equal the primetime supremacy of Marimar.

“I’m offering televiewers a realistic drama from the show (Marimar) with touches of fantasy,” says Lamangan. “There will be changes in Babangon Ako’t Dudurugin Kita compared to its original form. The TV version is no longer accurate as new events are added and new characters are introduced in the story. The challenge is how to excite the public and to make it more interesting. It has to be palatable to the diverse audience of TV.”

That’s why Lamangan always expects the best from everybody, especially the actors who work under his wing. After all, he is known to be a disciplinarian director.

“My actors don’t give me headaches so far,” shares Lamangan. “I haven’t encountered any tantrums yet. Besides I can’t afford to experience one. I think they respect me as a director and I also set the right attitude from the start. I hate people coming late and not prepared with their assignments or dialogues.”

Lamangan’s work ethics speaks of his theater background where professionalism is always the tall order of the day. You come to deliver no matter what.

“So far, so good,” reveals Lamangan of how things are going on the set of Babangon Ako’t Dudurugin Kita. “Angelika dela Cruz and Yasmien Kurdi as rivals have a good chemistry. They blend well. Angelika doesn’t have to adjust (to everybody or to anything) because she started and worked here before.”

Premiering on March 24 on GMA 7, the Gilda Olvidado story is about love and revenge and stars Kurdi as the pretty, naive Salve who finds a husband in Alfred (Marvin Agustin). Alfred marries her for convenience. Along the way, Alfred makes a liaison with Via (Dela Cruz), an influential, scheming daughter of a politician who will make Alfred’s climb to the top easier.

Their newfound dalliance will push Alfred to leave Salve in misery. That’s where the real drama unfolds.

“I like the idea of making big screen masterpieces to soaps,” says Lamangan. “You’re making them (like Babangon Ako’t Dudurugin Kita) available to a wider audience. These works should not be fossilized.”

What medium of self-expression and form of entertainment is he more at home with?

“I’m a fan of three mediums — TV, movies and theater,” answers Lamangan. “I love all of them. I can shuttle from one medium to another and back. The dictates of each medium is different. There are different requirements as far as the technical aspect of TV production is concerned which includes lights and lens, among many other things. For TV, the shooting days are longer. Unlike in movie making, you can finish one in 15 to 20 days. TV requires meetings every week. In doing soaps, the director should get hold of the audience’s interest because they can change channel anytime they want.”

Having directed movies and TV soaps for years, does he still find time to act?

“Yes, if there’s a good role. I’ll do it why not?,” replies Lamangan. “I act for Peta and Dulaang UP once a year.”

That makes Lamangan an actor’s director.

Another Funny Kiss Comment From Marvin

ISA pala si Marvin Agustin sa mga tinanong ni Angelika dela Cruz kung okey ang paglipat niya sa GMA-7, pero feeling ng actor, determinado nang bumalik sa Siyete ang actress kahit hindi niya sabihing masaya siya sa istasyon, tuluy-tuloy ang kanyang projects.

Magkasama ang dalawa sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita at magkakaroon sila ng bawal na relasyon at maiinit na eksena.

Natawa nga si Marvin, dahil sa isang show nila sa ABS-CBN, magkapatid ang kanilang role, pero sa action-drama ni Joel Lamangan, magsyota sila at maraming kissing scenes.

Iniinggit ni Marvin ang ibang male cast dahil siya lang ang may kissing scene kina Angelika, Jenny Miller at Yasmien Kurdi. Nakunan na ang halikan niya sa tatlo at kanya pang ikinumpara.

“Pinaka-hot ’yung kissing scene namin ni Jenny, na nagawa ko on and off-cam. Torrid ang ginawa namin, grabe! With Angelika, pinaka-exciting dahil patago. May halong takot, pero masarap gawin. The sweetest kiss ay ’yung kay Yasmien, may kasamang pagtuturo kung paano humalik. Naramdaman kong ’di talaga siya marunong humalik. Kung pamimiliin ako, gusto ko ang sweet kiss, hopeless romantic kasi ako.”

Mapapanood ang sinasabi ni Marvin na pagkakaiba ng kissing scenes niya sa tatlo kapag umere na ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita sa March 24.

More News

March 17, 2008 05:12 PM Monday Article read 371 time(s)

Joel urges Yasmien to resolve religion problem
By: Mario E. Bautista
Freehand

JOEL Lamangan is not only a film and TV director.

He’s also a concerned citizen of this country and this is the reason why he is active in the protest rallies against the present government.

“We all have a responsibility to our country,” he says. “Hindi tayo puwedeng magsawalang-kibo na lang kung nakikita nating garapalan na tayong niloloko ng ating public officials.”

So even if he’s busy directing “Babangon Ako at Dudurugin Kita” for GMa-7 and “Manay Po 2” for Regal, he’s also active in the movement Artists for Truth (Artista Para sa Katotohanan), a conglomeration of artists from film, theater, music, dance, literature and other art forms. “Anytime, we will issue an official statement about what’s happening to our country and we will stage our own protest activities.”

How will he assess the performance of his lead actress, Yasmien Kurdi, as the beleaguered heroine of “Babangon Ako’t Dudurugin Kita”? “She plays a very complex role and she’s good. She delivers. Even Dina Bonnevie who plays her long lost mother in the story, gulat sa husay niya. One thing lang with Yasmien, hirap na hirap kapag may religion involved na eksena. One time, I told her to kneel and pray in front of an altar at ayaw niyang gawin kasi wala raw ganun sa kanila sa Iglesia ni Kristo. Napagalitan ko. Sabi ko, artista siya, when she’s asked to do a role, dapat, magampanan niya nang maayos dahil kailangan sa eksena. Sabi ko, paano kung ang role mo, madre or nun? Aayawan mo? Talagang conflict daw ‘yun for her and what’s worse, hindi lang siya Iglesia kundi Muslim din as her Lebanese dad is a Muslim. Sabi ko, naku, if you want to be a really good actress, dapat, i-resolve mo ‘yang conflict na ‘yan.”

After “Babangon”, Direk Joel’s next dream Lino Brocka project to be remade on TV is the award-winning 1974 drama about the hypocrisies of people in a small town, “Tinimbang Ka Ngunit Kulang”.

“Ang gandang gawin noon sa TV as there are so many characters and we can expand all their stories. It introduced Christopher de Leon in his first movie role. This time, we can ask him to play the role of his dad, then played by Eddie Garcia. I want Lorna Tolentino to play Kuala, the madwoman that gave Lolita Rodriguez a best actress award. For the role of Mario O’Hara, the leper, okay sana si Rudy Fernandez. For the role of the young boy, we have to look for a new young actor, an ingenue na babagay sa role that catapulted Christopher to stardom.”

Our suggestion is Christopher’s own son, Gabriel, who looks so much like him when he was young.

launching BADK

Rising from the ashes
Article posted March 14, 2008

Last March 12, GMA launched its newest telebabad show that will surely make us rise up and ask for more.

Our summer will truly be hotter than ever as a brand new show hits the primetime slot. Gildas Olividado’s: Babangon Ako’t Dudurugin Kita held its press launch at a garden side location fit for a red carpet event.

The cast of the show arrived wearing glamorous clothing, made for the A-list stars that there are. Not to mention, according host Jojo Alejar, the event was sponsored by the character that Ms. Dina Bonnevie plays on the show. So the feel was like the press people were part of the new drama.

The evening started off with a brief greeting from director extraordinaire, Direk Joel Lamangan. “Pinagbuhusan po namin ng oras at pag-iisip na inhahandog namin sa mga manonood, ito’y isa na namang obra na galing sa GMA” stated the critically acclaimed director.

The creator of the comic franchise, Ms. Gilda Olividado, was really overwhelmed with the story’s new format, “I’m very happy with the team kasi, lahat sila magaling at maganda talaga siya.”

Though both the comic and movie were a massive success, Ms. Gilda admits that she still feels a little nervous about this project, “Nung una hindi ako makapaniwala na primetime, nakakatakot lang kasi yung papalitan, MariMar, mataas yung ratings. We’re hoping na maganda rin yung reception sa kanya.”
Head writer Don Michael Perez is very optimistic that the show will certainly become another TV hit, “Yung pang-aapi ilang beses na natin nakita yun, kailangan may-iba. Habang tumatakobo yung kwento ni Salve, tumatakbo din yung kwento ng ibang characters.”

Compared to the movie, the show is far more complex and deeper. The cast is led by Yasmien Kurdi who plays the vulnerable Salve. After her blissful marriage to Alfred (played by Marvin Agustin), will endure the most intricate kind of suffering one could ever imagine.

Salve’s life will be at its worst when Via, played by Angelika Dela Cruz, steps in the life of Alfred. Redemption will be on Salve’s side when she meets Derek (JC De Vera), a young man who will teach her the meaning of revenge.

Marvin Agustin admits that he feels a little pressured playing the role of the vicious Alfred. “It’s not just the Christopher De Leon idea that pressures. It’s the fact na pinabigat nila yung character, na pinahirap nila” shares Marvin.

Yasmien is also a little nervous about playing the role of Salve. “Sobrang first time yung ganitong role sa akin. I have to be mature and lady like talaga” says Yas.

JC on the other hand, thanks his Dramarama roots for preparing him for this big role, “Parang naging sort of training na rin naming [yun]. Sinanay na kami na hindi masyadong gina-guide ng mga directors, at ng mga staff. Binigyan kami ng tiwala na gawin yung craft namin.”

For the returning Kapuso star Angelika Dela Cruz, playing the devious Via is one of the best roles she’s had, “Maganda yung character ni Via, iniba nila. As in nilalagyan nila ng mas angst yung character para mag three hundred sixty na iba, ganoon.”

But all agreed that it was Direk Joel Lamangan’s unique vision that made the show a masterpiece. ”I don’t think there’s no other director to give this justice, kasi gamay na gamay niya yung material na to’” says head writer Don Michael Perez.

With a great cast and a captivating storyline, Gildas Olividado’s: Babangon Ako’t Dudurugin Kita, will surely be something that will keep us on our feet every night. -- Text by Alula Love M. Dela Cruz. Photos by Mitch S. Mauricio

Find out what this incredible show is all about, as it premieres the March 24, on GMA’s telebabad.

After you watch the premiere of the show, log on to www.igma.tv the next day because Yasmien, Marvin and Angelika will be dropping by to chat with you! Catch them on March 25, 2008 at 2-4PM and get to see them live via webcam.

Sunday, March 16, 2008

YAZZIE'S STILL OUR KDF BABY

Yasmien, nagpapaka-daring
By: Gerry Ocampo
Hot Shots

HINDI itinanggi ni Yasmien Kurdi sa presscon ng Babangon Ako't
Dudurugin Kita na natakot siya nang malamang makakasama sa bagong
soap ng GMA-7 ang dramatic actress na si Dina Bonnevie.

Nakarating kasi sa dalaga ang pagiging masungit at mataray ni Dina,
parang si Maricel Soriano. Kaya, dobleng ingat at tahimik lang siya
nang magsimula na ang taping.

"Akala ko nu'ng una, mataray at masungit siya. Nagkamali ako, dahil
nang magkita kami sa taping, tinanong niya agad ang edad ko. Doon
nagsimula ang pagiging close namin," say ni Yasmien.

"Tameme ang kadaldalan ko kay Ms. D. Akala ko ako na ang
pinakamadaldal. Talo niya ako. Ang sarap niyang kausap, may sense at
marami kang matututunan.

"Alam n'yo bang may Lebanese boyfriend si Ms. D? Tinalo pa niya ako
sa rami ng kakilala at kaibigang Lebanase.

"Grabe, ang sarap magluto ng Lebanese food ng boyfriend niya! Lahat
ng pagkaing niluto nu'n, paborito ko. Ako ngang may dugong Lebanase,
talbog kay Ms. D," patuloy ng young actress.

Pagdating naman sa lovelife, hindi itinanggi ng dalaga na si JC de
Vera lang ang lalaking nakakasama niyang lumabas. Pero, wala pa raw
silang relasyon.

"Siguro sa rami ng nakikita kong nag-aasawa nang maaga at nakikipag-
boyfriend nang batambata pa tapos maghihiwalay din, kaya ayoko munang
magka-boyfriend, " paliwanag ni Yasmien.

Samantala, marami ang nag-react sa sexy outfit niya nu'ng presscon
ng BADK. Bukod kasi sa braless, parang biglang lumaki ang boobs niya.

Nagpalaki nga ba si Yasmien ng dibdib? tanong ng press.

"No! Tunay po ang mga ito (sabay turo sa malulusog na boobs). Nasa
lahi po namin ang malalaking dibdib. Baka nakakalimutan po n'yo, may
dugong Lebanese ako.

"Kung makikita n'yo lang ang mga tita ko, hindi na kayo magdududa o
magtataka pa," walang malisyang pahayag ng dalaga.

______

lol it's easy to tell boobs made of jelly!
get real! yazzie's real!
anyway hhmmm about the sensitive scenes...
wahhhhh yazzie'z got her limitations though
ihope they won't show love scenes for more than seconds hehe

she's still the KDF BABY



Give Unto Yazzie What is Yazzie'z

A week to go and so far, i am not that impressed with the amount of promotion they are giving for BADK. While most others get more sensationalized and over promotions, BADK doesn't even get enough teasers. Haaaaayz :(
I demand equal share of promotions! Yazzie deserves it!

At this point, i doubt if they'd even concecrate a saturday slot or sunday to show
BADK "the making" . Don't you think this is rather unfair for someone who has proven herself NOT JUST ONCE ?! :(

I do hope Yazzie will challenge herself to rise on her heights despite this unfairness.

GMA7 should learn a lesson from Angel Locsin. They should not concentrate the whole world on a single artist. Yazzie is most deserving too.

pleaaaaaase!



Yasmien Kurdi, masusukat ang hatak sa masa sa Babangon




PANIBAGONG challenge kay Yasmien Kurdi ang role na ginagampanan
niya
sa "Babangon Ako't Dudurugin Kita." Matapos ang "Pasan Ko ang
Daigdig" na itinampok sa "Sinenovela Presents" sa "Dramarama sa
Hapon" ng GMA-7 kung saan character ni Sharon Cuneta sa movie
version nito ang ginampanan ni Yasmien, sa kanya na naman
ipinagkatiwala ng GMA ang role na ginampanan ng megastar sa movie
version ng "BADK."

Flattered, at the same time, pressured si Yasmien dahil primetime
show na ang "BADK" na siya ang lead role. Mapapanood ito starting
March 24, kapalit ng "Marimar" na last telecast tonight. "BADK"
also
stars JC de Vera, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Jennica
Garcia, Diana Zubiri, Paolo Contis, Tonton Gutierrez, and Dina
Bonnevie na balik- GMA.

Dina plays Evita, gangster mother of JC. Excited si Yasmien working
with Dina dahil aniya, isa ito sa mga iniidolo niyang aktres.
Thankful si Yasmien na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si
Ms. D. Joel Lamangan directs "BADK" who also directed "Pasan Ko ang
Daigdig" kaya komportable na si Yas working with him.

news and what i think

BADK ADAPTATION:Who'z line should
"BABANGON AKO AT DUDURUGIN KITA?
" be


Inamin ng direktor na si Joel Lamangan na iba na ang kuwento ng TV
adaptation ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, ang 1989 mo­vie na
pinagbidahan noon ni Sharon Cuneta.

Wala sa movie version ang Evita character ni Dina Bonnevie pero sa TV
remake, siya ang nagbitaw ng linya na "Babangon ako't dudurugin ko
sila."
Malaki man ang pagkakaiba ng TV at mo­vie version, inimbitahan sa grand
launch ng Baba­ngon... si Gilda Olvidado.

Si Gilda ang nobelista na sumulat ng kuwento ng Babangon Ako't
Dudurugin Kita.

WHAT I THINK: just hoping that the story didn't change too much just to deform the heart of the story. I've watched Marimar murdered by writers who tried to revise the story to lengthen the the curves of the soap. I also hope that the scriptwriter would remember, THIS IS YAZMIEN'S LEAD ROLE. I hope Ms. D would serve as some kind of persoal trainer or mentor for Salve. BADK renown line will be uttered by our princess for sure! or what's the lead role for?
____________________


SPREAD THE SPOTLIGHT

Sa dami ng artistang kasama sa cast ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita mukhang hindi nasolo nina JC de Vera at Yasmien Kurdi ang spotlight.

Di tulad doon sa dalawang naunang teleserye nila sa hapon (Pasan Ko Ang Daigdig at Pati Ba Pintig Ng Puso) kung saan sila talaga ang pinag-uusapan na bida.

Pero okay lang daw ‘yun kay JC kasi aminado naman siya na hindi nila kaya ni Yasmien na magdala ng isang teleserye sa primetime na sila lang.

Kaya okay lang na kasama nila sina Dina Bonnevie, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Angelika dela Cruz at Marvin Agustin.

Pero hindi naman daw sila nagpahuli ni Yasmien pagdating sa pag-arte sa mga ito.
“Nakasabay naman kami ni Yasmien kaya hindi naman kami na-upstage ng mga kasamahan naming malalaking artista sa teleserye,” pahayag ni JC.

WHAT I THINK: i can't imagine a soap with two people in it. lol! That's normal and one thing about success, it's sweeter and better when shared as a mutual challenge as a team.

____________
THE REAL YAZZIE

SAYANG at tapos na ang presscon ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita nang ikuwento sa amin ang kakrungkungan ni Yasmien Kurdi.

Sa kissing scene nila ni Marvin Agustin, before and after kunan ni Direk Joel Lamangan ang eksena, panay ang react nito ng, “My gosh, hindi ako sanay sa ganito,” pero nakita raw sa rushes na mas aggressive pa siya sa kissing scene.

Baka naman dala lang ’yun ng takot kay Direk Joel, na nagalit kina Yasmien at Marvin dahil hindi ma-perfect ang eksena. Nagtatawanan ang dalawa, kaya sa galit ng director, bumaba sa OB van at tinalakan sila. Du’n lang nag-behave ang dalawa.

Isa pang kakrungkrungan ni Yasmien ang sinabing ayaw niyang sumamang lumabas kay JC sa gabi’t ayaw niyang mapuyat at para iwas isyu.

Gusto nito, lunchtime sila magdi-date at sa bahay na lang sila’t nakapunta na raw ang actor sa kanila para makiihi.

WHAT I THINK: hehe this really reminds of me her interview with Raymond. She waz asked about her unforgetable PKAD memory. hehe She wuz so cute but she can make talking about yucky "poops"all around and stepping on those!
weeeeeee ...."beep" it wz censored! Yazzie really crazy funny! I love this real light side that she is!


Thursday, March 13, 2008

Anabelle Rama On Yazzie

Yasmien Kurdi and JC de Vera also caught in their managers' feud
Dinno Erece
Thursday, March 13, 2008
02:44 PM


A real-life Romeo and Juliet situation is about to unfold in the love team of Yasmien Kurdi and JC de Vera.

Kung warring family of the Montague and the Capulet ang pinaka-pamosong love story ni William Shakespeare, warring talent managers naman ang nangyayari ngayon sa pagitan nina Annabelle Rama at Lolit Solis dahil kina Ruffa Gutierrez, na anak ni Annabelle, at Lani Mercado, na alaga naman ni Lolit.

Ang isa sa ipit sa kaguluhang ito ay ang love team nina Yasmien at JC na iaangat na sa primetime via Babangon Ako't Dudurugin Kita after two successful Sine Novelas (Pati Ba Pintig Ng Puso and Pasan Ko Ang Daigdig).

Alaga ni Annabelle si JC at talent naman ni Lolit si Yasmien.

"Ay, oo nga pala, ‘no?" gulat ding sagot ni Annabelle nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) habang palabas na siya ng venue ng launching ng Babangon Ako't Dudurgin Kita last night, March 12, sa Oasis.
Kahit si Annabelle, nakalimutan niya ito.

"Hindi, okay lang, mabait na bata naman si Yasmien. Hindi ba ako pa ang pumili noon sa batang ‘yan para makatambal ng alaga ko?" sabi ng ina nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.

"Walang pressure sa amin," dagdag naman ni JC when we asked the same question. "Ako pa ba ang sasali sa gulo nila? Okay kami ni Yasmien, okay kami ni Kuya Tonton [Gutierrez] at okay na okay kami ni Paolo [Contis]."

Tonton and Paolo, just like Yasmien, are Manay Lolit's wards.

"Huwag naman po sanang pati kami madamay," pakiusap naman ni Yasmien nang siya ang tinanong namin. "Hindi naman po kasi kasali ang love team namin ni JC sa gulo nila. Matagal na po kaming love team bago sila magkagulo ni Nanay [Lolit], ‘tsaka mabait naman po sa akin si Tita Annabelle."

Paano kung magtagal ang standoff between Lolit and Annabelle? Wala nang sumagot sa tatlong natanong namin.

BADK PRESSCON LAST NIGHT

Thanks to kdf's who took time to support yazzie during the presscon and thanks for the pics! :)




yazzie poses here and tehre



what can you say about the tan glow?



yazzie answers here and there


ceasefire between managers at war
(anabelle rama with jc)


JOel Lamangan, the director himself! :)


cast on stage


here comes the princess

casts in life-sized paper pose


he billboard



just hold on!

yazzie tops it!

YAZZIE TOPS THE 2007 FEMALE NEWSMAKERS POOL! :)

JC talks about YAzzie

JC de Vera respects Yasmien Kurdi's silence regarding non-showbiz boyfriend

Balot G. Antazo

Thursday, March 13, 2008
04:19 PM



Handa nang makipagsabayan ang Drama Prince ng GMA-7 na si JC de Vera sa primetime via Gilda Olvidado's Babangon Ako't Dudurugin Kita opposite Drama Princess Yasmien Kurdi together with the country's most versatile actors and actresses like Marvin Agustin, Angelika dela Cruz and Ms. Dina Bonnevie in a very special role. First time masasabak ng binata sa primetime slot kaya excited siya sa pagsisimula ng serye sa darating na March 24.


"This is our third Sharon Cuneta movie starrer, kami ni Yasmien. The first two was Sine Novela presents Pati Ba Pintig ng Puso? and Pasan Ko Ang Daigdig, both are afternoon drama, kaya bale first primetime soap namin together ni Yasmien ang Babangon.




"This is something big and unexpected actually sa akin. Nakaka-pressure in a way but I have to prove myself na hindi sila nagkamali sa pagbibigay sa akin ng ganito kalaking break sa career ko," unang chika ni JC nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, last night, March 12 sa Oasis, Aurora Boulevard, Quezon City.


Nararamdaman ba niya na isa siya sa mga paborito ng Kapuso network dahil sa sunud-sunod niyang projects, sa TV at pelikula man?


"Siguro hindi naman po favorite talaga, ano lang siguro, isa lang ako sa nabibigyan ng chance. Happy ako dahil nabibigyan ako ng magagandang projects and I owe it siyempre sa manager ko, sa GMA-7, at sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko as an actor," sagot pa ng guwapong aktor na gumaganap as Derek sa serye.


Hindi ba siya napi-pressure dahil isang magaling at batikang direktor sa katauhan ni Direk Joel Lamangan ang humahawak sa kanila?


"Well, hindi naman. Malaking bagay na naging direktor namin si Direk Joel and malaking bagay rin na sa first primetime show ko na lead, si Yasmien yung kasama ko. Malaking bagay talaga kasi yung confidence ko lalong tumataas dahil alam kong hindi nila ako pababayaan.



"Sobrang comfortable na kami and even with Direk Joel, sobrang laki ng itinutulong niya sa akin kaya ngayon sobrang confident na kami," sey pa niya.


THE DIREK JOEL EXPERIENCE. How is his experience working with Direk Joel Lamangan?

"Wala kaming problema kay Direk. Ang saya-saya namin at ang aga-aga naming napa-pack-up parati sa set. Nakatrabaho ko na siya sa Pasan, second straight ko na siyang nakatrabaho.



"Si Direk Joel, very professional. Masyado siyang disciplinarian, ayaw niya talaga yung nale-late, yung mababagal kumilos. Ayaw niya talaga yung papasok ka sa set na hindi ka prepared. So kami, ang ginagawa namin, homework talaga kami, once na nakuha namin yung script, pinag-aaralan agad namin. Well-prepared kami 'pag dumarating sa set kasi nga strict talaga si Direk.



"Overall, sobrang okey siya. Very different si Direk sa ibang director. Magkakaroon ka ng comparison once na makatrabaho mo siya. Excited kami magtrabaho dahil 12 midnight pack-up na kami, " mahabang kuwento pa ni JC tungkol sa batikang direktor.


PLAYING A BEMBOL CHARACTER. Ang character na ginampanan ni Bembol Roco sa movie version ang ginagampanan ngayon ni JC sa primetime teleserye. Ano bang preparation ang ginawa niya for the role?


"More on physical ang ginawa ko, nagpa-trim ako, nagpapayat pa akong lalo para mas magmukha akong bagets, nagtanggal ako ng bigote at nagbago ako ng hairstyle. Kasi yung past show ko, yung Pasan, medyo mas matured compared ditto. So, dito, kailangan kong mag-tone down ng kaunti. Dito ngayon, medyo nasa dark side kami, mga gang wars. Kinuha yung highlights noong original movie at nagdagdag ng ibang cast para madagdagan ng twists," paglalarawan ni JC sa preparation na ginawa niya.



Hindi ba siya natatakot na posibleng magkaroon ng comparison ang acting niya sa FAMAS and Urian award-winner na si Bembol Roco?


"Ang parati naman pong sinasabi sa amin, ‘pag may ginagawa kaming dating movie na ginagawang serye sa TV, sinasabi sa amin, huwag nyong totally gayahin kung anuman yung ginawa ng actors sa original. At least gumawa kayo ng sarili ninyong style kung paano ninyo aatakihin yung character," ani JC sa amin.



Pero mapapantayan kaya ni JC ang acting ni Bembol Roco?


"Feeling ko hindi. Kasi ibang atake yung ginawa ko."

ABOUT MS. D. Kinumusta rin namin kay JC ang experience niyang makatrabaho sina ang iba pang kasama sa serye, tulad nina Angelika dela Cruz at Ms. Dina Bonnevie.


"Lahat sila hindi ko ini-expect na ganoon ka-friendly. Na very warm yung pag-welcome nila sa mga katulad namin. Si Ms. D, masyado siyang makuwento, walang dull moments sa kanya.



"Noong una, nakaka-intimidate siya pero once na makausap mo na siya, wala ka nang problema. Very open siya kahit personal questions sinagot niya," kuwento pa ni JC tungkol kay Ms. D.


BLESSED WITH YAS. Ilang beses nang nagtambal sina JC at Yasmien, hindi tuloy maiwasang pag-isipan kung wala pa bang namumuong "pagtitinginan" sa kanila. Ano na nga ba ang status ng relationship nila ni Yas?


"Thankful and very blessed ako na si Yas talaga ang nakaka-partner ko, as in very blessed ako na umabot kami sa ganito.



"Kung tatanungin nyo kung may nade-develop sa amin, siyempre after each show, meron talagang nadi-develop. Hindi ko actually, ma-explain kung ano tawag sa 'special friendship' namin. Minsan yayakapin ko siya, yayakapin niya ako. Minsan hahawakan ko ang kamay niya. Sobrang comfortable na kami sa isa't isa na wala na kaming malisya sa isa't isa. Mas dumagdag na yung tawagan namin, regular na ang pagti-text namin sa isa't isa. Busy lang yung scheds namin kaya hindi kami nakakalabas madalas. But once in a while nakakalabas naman kami.



"Nag-post Valentine's day dinner kami together. Wala lang akong gift. Aminado naman kasi ako na hindi ako ganoon ka-thoughtful talaga. Pero mas masasabi ko, mas malambing kasi ako kesa sa magbibigay ako ng kung-anu-ano," kuwento pa ni JC.


Balita ring pinagseselosan na raw niya ngayon ang tunay na boyfriend ni Yasmien.

"Ewan ko po. ‘Pag magkasama kami hindi namin pinag-uusapan yon, e. Kapag kaming dalawa ang magkasama, kaming dalawa ang pinag-uusapan namin, sa aming dalawa lang. Tinatanong ko naman siya pero nirerespeto ko yung desisyon niya na tahimik na lang about it. Hindi naman siya nagde-deny, e. Hindi ko rin inuungkat ang love life niya."


Ano ba yung qualities ni Yasmien na gustung-gusto niya?


"Yung eyes niya maganda, yun nga ang sinasabi ng iba na pareho raw kami. Bagay raw kami kasi yung eyes namin parang nagko-connect daw. Si Yasmien kasi, may charm na hindi ko ma-explain, e.



"Yung friendship namin, nasa level na kami na napag-uusapan na namin na kahit anong sikreto at problema, puwede naming sabihin sa isa't isa. Yun ang puwede kong ipagmalaki ngayon, may usapan na kami na personal na talaga. Dati kasi, tamang comfortable, ngayon feeling ko parang soulmates na nga kami, e," pagkukuwento pa ng binata sa closeness at friendship nila ni Yasmien.


ON LEVEL WITH ‘CHARD? Since siya ang binansagang Drama Prince ng GMA-7, masasabi ba niyang magka-level na sila ni Richard Gutierrez pagdating sa kasikatan?



"No comment ako diyan. Kasi si Richard, si Richard na yun, e. Parang kapatid ko na rin si Richard. Hindi ako nag-e-expect na soon ay magiging katulad ko si Richard.



"Flattered ako 'pag nako-compare ako kay Richard. Actually, isa siya sa mga hinahangaan ko, kasi very professional talaga. Very dedicated. Yung pag-iisip niya towards work, iba, e. Iba talaga. Naa-adopt namin [yung pagiging very professional ni Richard]," manager kasi ni JC ang mommy ni Richard na si Annabelle Rama.



"At si Richard, grounded at very humble pa rin, hindi siya nagbabago. Anytime puwede pa rin namin [other talents of Annabelle Rama] siyang i-approach. Flattering na ma-compare ako sa kanya. It's really an honor. Lahat naman gustong ma-reach yung narating ni Richard. But as much as possible I want to build my own name.



"Idol ko sina Christopher de Leon and Johnny Delgado and someday gusto ko ring ma-achieve yung narating at nagawa nila sa industry," wakas ni JC sa aming interview.

 
Kurdinian Defense Force - © 2007 Template feito por Templates para Você