An established,awarded and well-respected director Joel Lamagan speaks about Yazzie again! Who can argue? hehe
Direk Joel Lamangan guarantees a great teleserye in "Babangon Ako't Dudurugin Kita"
Ruel J. Mendoza
Wednesday, March 12, 2008
01:34 PM
Proud na proud nga si Direk Joel Lamangan sa bagong dinidirek niyang primetime teleserye na Babangon Ako't Dudurugin Kita dahil ginastusan daw ito nang husto ng GMA-7. Lahat daw ng hiniling niya para maging bongga ang pilot week ay ibinigay naman sa kanya.
Magsisimula na ito sa March 24 bilang kapalit ng Marimar. Opening scene pa lang daw ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ay "madugo" na raw at parang pelikula ang dating.
"Mas malaki kasi ang budget kapag primetime ang show," ngiti ni Direk Joel. "As compared sa mga afternoon drama, okey rin naman ang budget nila pero hindi ka makaka-request ng helicopters at saksakan ng dami na extras.
"But GMA-7 is very generous sa mga request ko sa production kaya naman pinaganda namin nang husto ang pilot week ng show. Maloloka sila sa mga eksena kasi first day pa lang, big scene na kaagad."
IMPRESSIVE ACTORS. Huling nakatrabaho ni Direk Joel ang bida ng soap drama na ito na si Yasmien Kurdi sa afternoon drama na Pasan Ko Ang Daigdig. Dito nga raw sa bagong show ay mas lulutang pa nang husto ang husay ni Yasmien bilang aktres.
"I've worked with her in three movies [Ai****e Masu, So Happy Together, Bahay Kubo] at noon ko pa nakikitaan 'yan ng potential sa drama. Mahusay ang bata and she's giving it her all parati. Dito sa bagong show, she really impressed me a lot. Abangan n'yo si Yasmien sa mga dramatic highlights niya."
____________
Any other desperate attempts seeking to pull other people down, ummm sorry but it's not even a nice try at all. LOL!
Wednesday, March 12, 2008
Director Joel Lamangan Speaks About Yazzie Again
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment