ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7 ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7

Monday, May 5, 2008

BADK episode UPDATES

Yasmien, sabik na sa halik ni JC de Vera!
(RUEL MENDOZA)

Atat na nga ba si Yasmien Kurdi sa magiging kissing scene nila ni JC
de Vera sa Babangon Ako't Dudurugin Kita? Nang tanungin kasi namin si
Yasmien sa development ng istorya ng teleserye nila ni JC, nabanggit
nito agad na wala pa raw silang kissing scene ni JC.

"Ang tagal nga, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!" natatawang sabi ni Yasmien.
"Akala ko nga kukunan na `yung kiss pero hindi pa pala! Kainis! Ha!
Ha! Ha! Ha!

"Pero to be serious naman, matagal pa naman siyang kukunan. Kasi nga
ang gusto nila ma-establish ang pagiging matapang ko sa story.
Nag-tape na nga kami ng mga naging training ko. Pinaghawak na ako ng
baril at nakapagpaputok na ako. Nakakatakot pala pero enjoy naman pala
humawak ng baril! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pero nakakapagod ang mga pinagawa sa akin. Okey lang kasi lahat kami
gusto naming maganda ang lalabas sa show kaya kahit latang-lata kami
sa taping, walang umaa­ngal," dugtong na sabi ni Yasmien.

Paano naman niya paghahandaan ang halikan nila ni JC? Kailangan pa ba
niyang mag-prepare, eh mukhang kabisado na ni JC ang mga labi niya?
"Oo naman kailangan kong mag-abala! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Kahit na ilang beses na kaming nag-kissing scene ni JC in the past,
kailangan handa pa rin ako.

"Kailangan mabango ang hininga ko. Kaya magtu-toothbrush ako at
magma-mouth wash. Nakakahiya naman kung hindi ka mabango. Eh si JC ang
bango-bango parati kaya dapat mas mabango pa ako kesa sa kanya!" say
na lang ni Yasmien.

0 comments:

 
Kurdinian Defense Force - © 2007 Template feito por Templates para Você