Babangon Ako’t Dudurugin Kita
GUSTONG iparating kay Direk Joel Lamangan ng viewers ng Babangon Ako't
Dudurugin Kita ang pasasalamat sa pagbibigay sa kanila ng kakaibang
palabas gabi-gabi.
Masyadong involved sa istorya ng action-drama ang mga nag-i-email sa
amin, galit sila kina Alfred (Marvin Agustin) at Via (Angelika dela
Cruz) sa ginawa nila kay Salve (Yasmien Kurdi).
At the same time, hinihintay nila ang pagka-develop ng romansa kina
Salve at Derek (JC de Vera) at ang pagbagsak ni Evita (Dina Bonnevie).
Nanghihingi nga ng spoiler sa amin ang viewers, pero mas magandang
manood kung may sorpresa.
0 comments:
Post a Comment