Na-miss ng fans ni Yasmien Kurdi ang Tasya Fantasya noong Linggo dahil
hindi ito naipalabas.
Ala-una na nang hapon nang mag-umpisa ang SOP dahil ipinalabas ng GMA
7 noong umaga ang pelikula ni Vic Sotto at ang pilot episode ng Dyesebel.
Eh napahaba ang airtime ng SOP dahil sa birthday celebration ni Judy
Ann Santos na binigyan ng maraming sorpresa, kabilang na ang surprise
appearance ni Sharon Cuneta.
Dalawang linggo nang napapanood si Juday sa SOP kaya marami na ang
nagtatanong kung lilipat na ba siya sa Kapuso?
Uulitin ko ang siney ni Juday, isang taon pa ang kontrata niya sa
ABS-CBN. Ang ibig sabihin, hindi totoo ang tsismis.
Pero makahulugan ang sinabi ni Juday na nag-umpisa ang kanyang TV
career sa GMA 7. Siney niya ang pamagat ng TV series na kanyang
pinagbidahan pero hindi ko na ito matandaan.
Wednesday, May 7, 2008
TASYA updates again
Labels: News, TasyaFantasya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment