Yasmien, inintriga pati relihiyon
(ABU TILAMZIK)
BIHIRANG sumagot si Yasmien Kurdi sa mga tawag ko. Mabuti na lang at sinagot niya ako kahapon para linawin ang isyung nakarating sa akin na balak siyang itiwalag sa kanyang simbahan na Iglesia ni Kristo.
Isang kamiyembro niya ang nagkuwentong pinag-uusapan na raw ang pagtiwalag kay Yasmien dahil sa ilang offense ng young actress sa Iglesia.
Sabi-sabi, minsan ay minsan dinalaw siya ng isang ministro nila sa kanyang tahanan.
Habang nagsasalita itong ministro, parang walang narinig daw si Yasmien at sulat nang sulat daw ito sa isang papel.
Hindi raw alam ni Yasmien, nasilip ng ministro ang sinusulat niya.
Ang nakalagay raw ay, “Ano ba itong pinagsasabi ng ministrong ito?”
Meron pa raw siyang sinusulat na hindi nagustuhan ng nakabasa.
Na-offend daw itong ministro kaya ipinarating daw ‘yun sa nakatataas at binabalak na raw na itiwalag ang bida sa teledramang Babangon Ako’t Dudurugin Kita.
Mariing itinatanggi ito ni Yasmien.
Totoong dinalaw daw siya, pero never daw niya ginawa ang pagsulat ng hindi maganda laban sa ministrong dumalaw.
Kung ano man ang iba pa niyang offense na nagawa, hindi raw ito sapat na dahilan para itiwalag siya.
“Panlimang henerasyon na po ako sa Iglesia kaya hindi po ako basta-bastang matitisod sa isang mababaw na dahilan lang,” pahayag ni Yasmien.
“Kagagaling ko lang nga pong magsamba. Kung hindi man po ako madalas makapagsamba sa lokal namin dahil sa nagti-taping ako, nakakapagsamba naman po ako sa hindi ko lokal.”
Nagtataka raw siya, bakit may mga ganung intriga sa kanya gayung wala raw katotohanan ang ibinibintang sa kanya.
“Tito, baka naman po matakot lahat ng mga tao mag-Iglesia kung ganu’n kaliit na grounds. matitiwalag na ang isang kapatid… hindi ganu’n kababaw ang Iglesia.
“At hindi po iyun mortal sin for tiwalagan… hahaha,” pahabol pa niyang text sa akin.
Natatawa na lang daw si Yasmien dahil hanggang sa pagiging Iglesia niya ay iintrigahin pa raw ba siya?
Friday, May 9, 2008
Yasmien on Religion Issues
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment