ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7 ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7

Friday, May 9, 2008

Yasmien Rises

Yasmien, dudurugin ang mga nang-aapi sa kanya!

Friday, May 9, 2008

Matapos ang sukdulang pang-aapi hang­­gang sa muntik nang mapatay,
handa na si Yasmien Kurdi na gantihan ang mga umapi sa kanya sa
nangunguna at tumitinding drama sa telebisyon, ang Babangon Ako't
Dudurugin Kita.

Painit ng painit ang mga eksena dahil matapos makita ng mga manonood
ang isang mapagmahal at mapagtiis na asawa, palaban na ngayon at handa
nang bumangon si Salve, ang papel na ginagampanan ng drama princess na
si Yasmien Kurdi. Handa na si Salve na gumanti sa mga sumalbahe sa
kanya maibalik lang ang karangalang nawala sa kanya.

Gaganti na si Salve laban sa bagong mayor ng bayan na si Alfred de
Leon (Marvin Agustin), ang tuso at manggagantsong asawa niya. Isasama
rin niya sa kanyang pagganti ang bagong kinakasama nito na si Via
(Angelika dela Cruz) na apo naman ng gobernador sa kanilang bayan. Si
Alfred, na ang tanging habol lang pala kay Salve ay ang mana nitong
P10 milyon, ang lalaking nang-api, nanloko, nambugbog, nagtaksil at
nagpapatay kay Salve at sa batang nasa sinapupunan nito.

Ngayong kinukupkop at tinutulungan si Salve ng mayamang binata na si
Derek Perantes (JC de Vera) bukod pa sa pinag-aral siya ng ina ng
binata na si Evita (Dina Bonnevie), mabubuo na nga ba ang matinding
plano ng paghihiganti ni Salve para sa kanya at sa nalaglag niyang
anak? Sino ang uunahin niyang durugin, si Alfred o si Via?

Samantala, matagpuan pa kaya ni Evita ang nawawalang anak na si Emma?
Ituring kaya ni Salve bilang kanyang ina si Evita? At sa pagkakalapit
nila Derek at Salve, umibig pa kaya ang dalaga matapos ang mga
naranasan niya kay Alfred?

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng pagganti ni Salve sa Babangon
Ako't Dudurugin Kita mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad
pagkatapos ng Dyesebel sa Kapuso network.

0 comments:

 
Kurdinian Defense Force - © 2007 Template feito por Templates para Você