_____
Yasmien Kurdi, bagong paborito ng GMA
Sa presscon ng Tasya Fantasya, sinabi ng director na si Mac
Alejandre na tailor made para kay Yasmien Kurdi ang teleserye dahil
bagay sa kanya ito. Nagtataka kasi ang iba kung bakit nagiging
paborito ng GMA ang aktres. Kasisimula pa lang ng Babangon Ako't
Dudurugin Kita pero bida na naman siya sa Tasya Fantasya.
Noong isang taon pa pala ito at nahinto lang kaya itutuloy uli ang
teyping nito. Idinagdag pa rin ni Direk na kung naging matamlay man
ang kita nito sa takilya nang isapelikula at tinampukan ni Kris
Aquino noon, confident siya na magre-rate ito.
Suwerte ni Yasmien Kurdi dahil iba't ibang role ang naibibigay sa
kanya ng GMA-7 mula sa drama hanggang sa telefantasya.
"Sobrang aliw ko sa taping nito dahil linggu-linggo iba't iba ang
role na ginagampanan ko. Ang maganda pa, bawat episode ay may
mahalagang aral na kapupulutan ng manonood," sey pa nito.
Mapapanood ang Tasya Fantasya simula April 6 pagkatapos ng SOP.
_________
Sige sa pagpapadala sa akin ng e-mail ang fans ni Yasmien Kurdi pero
hindi ako makapag-react dahil never ko pang napapanood ang Babangon
Ako't Dudurugin Kita.
Nag-umpisa noong Lunes ang TV series na pinagbibidahan ni Yasmien at
Lunes din nang pumunta ako dito sa Washington.
Ni hindi ko nga alam ang resulta ng rating ng mga TV shows ngayong
linggo dahil hindi ako naka-attend sa meeting ng Startalk noong Lunes
at Biyernes. Hindi ko alam kung may nag-text sa akin dahil naka-off
ang cellphone ko para walang abala sa aking beauty rest.
____
Ang suwerte talaga ni Yasmien Kurdi dahil hindi siya nawawalan ng
magagandang proyekto sa kanyang home studio, ang GMA-7. Kahit
kalulunsad lang ng kanyang pinakabagong primetime TV series na
Babangon Ako't Dudurugin Kita na muli nilang pinagtatambalan ni JC
de Vera, heto't may bago na naman siyang (fantasy) TV series, ang
Tasya Fantasya na magsisimulang mapanood sa Abril 6 pagkatapos ng
SOP.
Ang Tasya Fantasya ay likha ng Komiks King na si Carlo J. Caparas at
pinagbidahan sa pelikula ni Kris Aquino na si Direk Carlo J. rin ang
nagdirek sa ilalim ng Golden Lion Films nila ng wife niyang si Donna
Villa.
Sa totoo lang, lihim na kinaiinggitan si Yasmien ng kanyang mga
kasamahan sa GMA Artists Center dahil sa magagandang projects na
ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapuso network.
Samantala, sa kabila ng pagiging busy ni Yasmien sa kanyang dalawang
TV series, naisingit pa rin niya ang guesting sa comedy-reality show
na Kung Ako Ikaw hosted by Joey Marquez at Keempe de Leon na
napapanood mula Lunes hanggang Miyerkules ng gabi bago ang Saks i.
_________
The illusions and delusions of 'Tasya Fantasya'
Walden Sadiri
Ace director Mac Alejandre's latest project is the television version
of Kris Aquino's blockbuster movie "Tasya Fantasya" starring Yasmien
Kurdi, Wendell Ramos and Rainier Castillo.
Alejandre claimed he's drawn to the story of "Tasya Fantasya."
"When you're a director, papasok ka lang sa realidad ng hindi lang
yung genre pero yung story.
When you're inside of it, you'll just feel it. Lahat naman ng klaseng
genre masarap gawin. Lahat gusto kong gawin kahit ano pa siya basta
interesting ang story and interesting ang mga characters. At itong
Tasya is very very interesting, " he explained.
"Tasya Fantasya" is based on the comic series with the same title of
Carlo J. Caparas. It's about Tasya (Yasmien Kurdi), an ordinary
looking sales assistant in an optical shop, who chance upon a magical
pair of eyeglasses. Through these eyeglasses, she is transported into
another world where she faces challenging situations and triumphs.
But in all those situations her goal has always been to win the heart
of his Prince Charming or Donald (Wendell Ramos) whom she admires
from afar.
The twist is that despite being ordinary, Tasya's best friend Raz
(Ranier Castillo) has a long crush on her but couldn't express his
true feelings.
Another twist is that Tasya in the mystical world is actually
Princess Anastacia who was sent to the mortal world as a punishment.
Alejandre shared the interesting details about the TV series. "It's
fantasy and it is the life of an underdog and the world she discovers
each episode sa mga mundong pinupuntahan niya.
That is very very interesting.
Lahat kami every week iba-ibang mundo ang pinupuntahan. When I say
mundo I don't mean a different world.
I just mean a different situation, a different set-up, a different
place.
It's going to be the same characters playing different roles each
week and coming back to the original role.
Maganda siya, it's the magic of Tasya and what was given to her. So
every week meron siyang laging ibang pinapasok na nakakatuwa," the
director described.
The pilot episode of "Tasya Fantasya" was shot last year yet but
production was stopped due to erratic schedules.
It will start airing this April 6 after "S.O.P." on GMA 7.
_______
Yasmien Kurdi traumatized by Jennylyn Mercado's sudden pregnancy
Bong Godinez
Monday, March 31, 2008
01:37 PM
Rating
For young actress Yasmien Kurdi, doing Tasya Fantasya is a nice
outlet for her to loosen up after shedding a bucket of tears in her
primetime drama series, Babangon Ako't Dudurugin Kita.
"Sa Babangon po kasi, serious drama kami talaga doon, while dito
naman sa Tasya Fantasya, para lang kaming naglalaro and tawanan lang
kami nang tawanan. So in a way, parang ito na rin po `yong pahinga ko
sa iyakan," she told PEP (Philippine Entertainment Portal) last March
27 during the press conference of Tasya Fantasya held at the
Mowelfund Garden in Quezon City.
Tasya Fantasya is a Carlo J. Caparas creation and was portrayed by
Kris Aquino in 1994 movie opposite basketball superstar Alvin
Patrimonio. The movie failed to make an impression at the tills and
even Kris herself was reportedly unhappy with the final product.
When Yasmien bagged the part she revealed calling Kris to inquire if
she still have a copy of the film so that she could watch it and
study the role further. Unfortunately, Kris doesn't have a copy of
the film and just advised Yasmien to portray the role to the best of
her abilities.
REUNITED WITH RAINIER. Tasya Fantasya also paves the way for Yasmien
to be reunited with original love team partner and StarStruck batch
mate Rainier Castillo. Yasmien is more identified nowadays with
current screen partner JC de Vera.
Yasmien refuses to compare the two. "Magkaiba naman po kasi sila,"
smiled Yasmien.
"With Rainier naman po kasi, matagal ko na siyang kilala and sabay
kaming nagsimula so malalim po talaga `yong pinagsamahan namin.
Barkada po talaga ang turingan namin and sobrang comfortable na kami
sa isa't isa."
Just like most of their fans, many are wondering if there's still any
chance for Yasmien and Rainier to elevate their relationship to a
more serious one.
"One of the boys po kasi ang turing sa `kin ni Rainier!" laughed
Yasmien. "Basta kami naman ni Rainier, masaya kami na magkatrabaho
ulit kami. Basta wala po kaming problema and mas maganda nga po `yong
ganun."
So, if Rainier treats her as one of the boys, how about JC?
"Babae po," she blushingly told PEP, "he treats me as a girl."
LEARNING FROM JEN'S MISTAKES. Yasmien confessed that she's not fond
of the idea of having a boyfriend who is also in showbiz.
"Mahirap `yong may mga issue-issue. Madaming nakikialam kasi `pag
pareho kayong taga-showbiz, " she candidly offered.
But she's not totally closing her doors on the possibility of hooking
up with a colleague in the future. But Yasmien would rather let
destiny take its course than force things.
"Mangyayari naman po `yon kung mangyayari. Hayaan na lang po muna
natin siguro," she added.
Revealingly, Yasmien confided that good friend Jennylyn Mercado's
unexpected pregnancy is another factor holding her back from falling
in love this early.
"Opo," she acknowledged. "Medyo natatakot po kasi ako. Hindi naman po
sinasabi na porke't mag-boyfriend ka, e, mabubuntis ka na. Pero mas
maganda na po `yong mag-ingat."
But Yasmien once again expressed her support to Jennylyn during this
time of need.
"Alam niya naman po `yon na nandito lang ako lagi sa kanya."
Yasmien also opted not to meddle nor inquire about the state of
Jennylyn's relationship with ex-boyfriend Patrick Garcia.
She reasoned, "Nakakainis po na may ibang taong nakikipasok sa buhay
ng may buhay kaya ayoko pong pumasok, buhay nila `yon."
RESPECT FOR NON-VEGGIE'S. Recently, rumors were flying saying that
Yasmien allegedly lashed out at non-vegetarians by publicly mocking
the practice of eating meat.
"Sinabi ko daw napakadumi ng baboy, sabi ko daw. Humarap
sa `kin `yang tao na `yan, sino `yan?" challenged the vegetarian
actress.
"To clear everything, wala po akong sinabing ganung bagay. And hindi
ko po sasabihin `yon habang kumakain sila," she stressed in closing.
_____
Inosente pa nga sa sex, at certified virgin na virgin si Yasmien
Kurdi. Katunayan, naloka ang mga kausap niyang entertainment writers
dahil sa pagkakaintindi niya sa kung paano nabubuntis ang isang
babae.
Sa presscon ng bagong show ni Yasmien na Tasya Pantasya sa GMA 7,
tinanong si Yasmien ng mga manunulat, kung bakit ayaw pa nitong
magka-boyfriend.
Ang unang sagot ni Yasmien, wala raw siyang time sa lovelife dahil
busy siya sa kanyang career.
Eh, nabanggit sa tsikahan na `yon ang tungkol sa pagbubuntis ni
Jennylyn Mercado. At reaksyon ni Yasmien, isa sa mga ikinatatakot
niya `yon, na baka matulad siya kay Jen, na maagang nabuntis.
Sabi ng manunulat kay Yasmien, hindi naman siya mabubuntis kung
kokontroli niya ang kanyang emosyon. Kumbaga, puwede naman na hindi
niya agad ibigay ang sarili sa lalakeng mamahalin niya.
At dito na nga lumabas ang nakakalokang drama ni Yasmien. Para kay
Yasmien, puwede raw mabuntis ang isang babae, kahit hindi ito
nakikipagtalik sa lalake.
"Kasi baka `yung sperm cell, madikit lang sa iyo at posible ka na
raw mabuntis. Kaya nga sa mga comfort room, nag-iingat talaga ako,
kasi baka kapag nadikit sa ano ko `yon, mabuntis agad ako."
Siyempre, nagtawanan ang mga manunulat sa harap ni Yasmien. At
ipinaliwanag namin kay Yasmien na kaya nabubuntis ang isang babae ay
dahil nakikipagtalik ito sa lalake.
Malinaw naming inilarawan kay Yasmien kung paano nabubuo ang bata sa
sinapupunan ng isang babae.
"Sa location shooting kasi namin, may isang doktora na nagsabi sa
akin na nakakabuntis daw ang madikitan ka lang ng sperm cell," hirit
niya.
Oh, di ba naman, nakakaloka si Yasmien!
Anyway, nilinaw rin ni Yasmien na hindi humihingi ng tulong sa kanya
ang kaibigan niyang si Jennylyn. May mga tsismis na nagigipit na raw
si Jen, kaya nangungutang kay Yasmien.
"Nagkausap kami sa phone, dahil sinabi niya sa akin na hindi siya
makakapunta sa plug shoot ng station, kasi dumudugo raw ang ilong
niya.
"Ako kasi, kahit ano gagawin ko para sa mga ka-batch ko sa
Starstruck. Willing akong tumulong. Kahit ano pa `yon, okey lang sa
akin.
"Pero, wala siyang hinihinging tulong sa akin. Sabi ko sa kanya,
kung ano ang tulong na kailangan niya, basta kaya ko, okey lang.
"Hindi humihingi si Jen ng tulong. Ako ang nagtatanong sa kanya kung
ano ang gusto niyang kainin," depensa ni Yasmien kay Jen.
Ninang ba siya ng magiging anak nina Jennylyn Mercado at Patrick
Garcia?
"Wala pa akong natatanggap na invitation. Wala pang sinasabi si Jen.
Kung kukunin niya ako, hindi ako tatanggi. Matutuwa pa ako."
Anyway, ang Tasya Pantasya ang balik-tambalan sa TV nina Yasmien at
Rainier Castillo.
_______
MARAMI ang nag-comment sa presscon ng Tasya Pantas-ya na mukhang
matanda na raw si Wendell Ramos kung ipapareha kay Yasmien Kurdi.
Kasi si Wendell ang luma-labas na dreamboy ni Yasmien sa bagong
telepantasya ng GMA-7.
Mas bagay pa raw kung ipi-nareha si Wendell kay Alicia Mayer na
kasama rin sa cast ng show.
Naku, marunong pa sila sa writers ng Tasya Pantasya.
Sa palagay namin ay believable naman si Wendell na maging crush ni
Yasmien sa naturang teleserye dahil he'll be playing a model na
hinaha-ngaan ni Tasya.
Anyway si Rainier Castillo naman talaga ang kapareha di-to ni Yasmien
and we're glad na ang loveteam nila ay nagbabalik na naman. At sa
Tasya Pantasya, si Rainier naman talaga ang iniibig niya. Eh sila
naman kasi ang original na magka-loveteam kesa sa Yasmien-JC de Vera
team-up.
At naniniwala si Rainier na marami pa rin silang fans ni Yas hanggang
ngayon.
Oo naman pagdating sa comedy ay ang lakas talaga ng chemistry nila.
Isa pa, guwapings ngayon si Rainier dahil sa tabi na nga-yon ang hati
ng buhok niya at hindi na sa gitna na para si-yang si Cachupoy.
Lumakas din ang sex appeal niya, huh!
Sa palagay namin, it's time na bigyan na rin si Rainier ng bagong
leading lady. At hindi `yung nakakahon na lang si-ya kay Yas lagi.
Take note, kung mabibig-yan ng pagkakataon, gusto naman daw
makapareha ni Rainier si Jennylyn Mercado pagkapanganak nito siyempre.
____
Positive ang feedback ng televiewers sa kuwento ng Babangon Ako't
Dudurugin Kita at sa performance ng mga artista nito. Nagustuhan nila
ang bagong primetime series ng GMA 7 sa kabila ng malayong kuwento nito
sa movie version na tinampukan nina Sharon Cuneta at Hilda Koronel.
_______
Yasmien Kurdi is `Tasya Fantasya'
Ronald Constantino
AFTER YOU, KRIS – When Kris Aquino was much younger, she starred
in "Tasya Fantasya," based on the Carlo J. Caparas komiks serial. Her
leading men were basketball players, led by Alvin Patrimonio, said to
be the then presidential daughter's "great love."
"Tasya Fantasya" is being revived as a weekly TV series on GMA,
starting on April 16, right after the noontime show "SOP." The title
role is being played by Yasmien Kurdi who, by coincidence, was Kris'
daughter in the movie "So Happy Together."
Yasmien said she called up her Tita Kris to borrow a DVD of "Tasya
Fantasya," but the original fantasiadora said she had none. "Wala
akong mabiling kopya kahit saan," Yasmien told Kris, who advised
her, "Pagbutihin mo na lang."
•
ONLY CHOICE – Yasmien and the other stars of "Tasya Fantasya" were
presented to the press at Mowelfund's "Pa-radise of Stars" last week,
with director Mac Alejandre saying Yasmien and no one else was
considered to play the part. She's an ugly but kind-hear-ted sales
assistant in an optical shop whose magical pair of eyeglasses
transforms her into a Cinderella-like beauty.
In the fantasy world, her big crush (Wendell Ramos) becomes her
Prince Charming.
•
OTHER STARS – The other stars are Rainier Castillo, Vangie Labalan,
Gladys Reyes, Alicia Meyer, and Mura.
Gladys and Alicia are pregnant, said to be auguring well for "Tasya
Fantasya" as it means good luck. Rainier, by the way, was Yasmien's
leading man in "So Happy Together." A year or so ago, Wendell,
was "romantically linked" to Gladys, causing her husband, Christopher
Roxas, to become jealous. Gladys laughs it off, "Naku ha, di na siya
dapat magselos. Panga-lawa na namin ito."
Gladys and Chris' first born is a boy, Kristoff.
Vangie, a fine actress, finds "challenge" in doing a fantasy series
like "Tasya Fantasya" – "Super lupit ako rito."
Move over, Bella Flores, who's now based in the US? "Hindi ha, walang
kapalit si Bella. But Vangie will always be Vangie."
The midget Mura, who is identified with ABS-CBN, says "Kung saan may
trabaho nandoon ako." He reminds that he's supporting a lot
of "robots." Which is how he describes his siblings and other
relatives in Bicol, "Parang mga robot, ayaw kumilos, ayaw magtrabaho,
sa akin lahat umaasa."
•
PERFECT SUNDAY VIEWING – "Tasya Fantasya" will run for one season (13
weeks), with other stars guesting eve-ry week to make each episode
interesting, "with lessons to be learned," says direk Mac Alejandre.
Supervising producer Lilybeth G. Rasonable describes "Tasya Fantasya"
as the perfect viewing for a lazy Sunday afternoon, when people want
to relax, to take things easy. To be simply entertained.
____
Binitin ako ni Yasmien Kurdi sa aking 21st showbiz anniversary show
noong Sabado sa Zirkoh Timog.
Matinding emosyon ang naramdaman ko sa pambibitin ni Yasmien.
Pinalipas ko ang aking poot. At nagdesisyon ako na huwag na lang mag-
emote.
Naisip ko na huwag na lang patulan ang pambabastos na `yon ni
Yasmien.
Kesa mag-emote sa ginawang `yon ni Yasmien, pasasalamatan ko na lang
ang mga taong nag-perform at nanood ng aking Shine! show noong
Sabado.
Hindi man sinipot ni Yasmien ang show ko, nag-perform sina Faith
Cuneta, Sam Concepcion, Kimberly Cerafica, Stephanie Luy, ang
Showboys, Dr. Manny Calayan at si Ms. Claire de la Fuente.
Sinorpresa ako ni Pops Fernandez na dumating kasama si Jomari Yllana.
Lalo pa akong na-touch nang mag-duet sina Pops at Jom. First time
daw nilang ginawa `yon in public.
Masaya ang Shine! show ko na hinost namin ni Snooky Serna, kaya
dapat lang na mas magpasalamat ako kesa magalit.
Ganoon dapat. Always count your blessings para kahit may mga taong
katulad ni Yasmien na walang respeto sa feelings ng kanyang kapwa ay
magawa mo pa ring magpatawad.
Yes, Yasmien, sa kabilang ng ginawa mo sa akin, ang pagkapahiya sa
mga taong nanood ng show dahil sa hindi mo pagsipot, I still forgive
you, pero hindi ko masasabing I can easily forget what you did!
I still wish you good luck sa bago mong show na Tasya Fantasya.
Ayokong isumpa ka!
_____
Napuno na ang GMA Artists Center sa pagiging pasaway ni Cristine
Reyes.
Hinayaan na nila ito sa ABS-CBN 2 kung gusto nitong doon na siya.
Ilang beses nang nakipagmiting ang GMAAC sa young actress. In
fairness sa GMA 7, meron silang iniaalok na programa sa kanya.
Ang pagkakaalam ko, kay Cristine unang inialok ang Magdusa Ka at
okay naman daw. Pero bandang huli, ayaw na naman niya at labas na
siya nang labas sa Wowowee.
Ang masama pa, parang hindi ikinatuwa ng mga supporter ng Wowowee
ang paglabas niya bilang guest co-host ni Willie Revillame.
Bukod sa mababa ang rating kapag guest si Cristine, may mga
nakakarating pa sa amin na hindi magandang komento sa kanya.
Mukhang ipinagsisiksikan tuloy ni Cristine ang sarili niya sa Dos.
Nakausap namin ang ilang taga-GMA Artists Center at hahayaan na raw
nila si Cristine kung ano ang gusto nitong gawin sa career nito.
Marami pa silang talents na tututukan nila at bibigyan ng pagkaka
taon para gumanda ang career. Unfair sa kanila kung kay Cristine
lang sila naka-focus.
"Nandiyan pa si Yasmien (Kurdi) na malapit nang magsimula ang Tasya
Fantasya. Siya na lang ang pag-usapan natin," pakiusap sa akin ng
isa sa mga taga-GMAAC.
Napag-alamang wala pang release paper ang GMA 7 kay Cristine at
technically ay may kontrata pa ito sa kanila. Ewan kung maaayos ito
ni Cristine kung magkakaroon na ito ng programa sa ABS-CBN.
Kinukontak namin si Ara Mina para makunan ng pahayag tungkol dito
pero mukhang nasa ibang bansa ito kaya hindi sinasagot ang aming
tawag at text.
Sunday, April 6, 2008
Articles to catch up with
Labels: badk, News, TasyaFantasya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment