ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7 ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7

Monday, April 14, 2008

BADK UPDATES and other Yazzie News




Exciting ang Monday episode ng Babangon Ako't Dudurugin Kita dahil for

the first time, magku-krus ang landas ng mag-inang Evita (Dina
Bonnevie) at Salve (Yasmien Kurdi) sa ospital, pero hindi nila
makikilala ang isa't isa, kahit nakaramdam ng lukso ng dugo si Evita.

Kasal nina Julie (Diana Zubiri) at Tyrone (Paolo Contis) at malalaman
kung matutuloy ang kasal ng dalawa.

Sa mga naghihintay nang pagkikita nina Salve at Derek (JC de
Vera), 'wag mainip at malapit nang magkita ang dalawa.


Ipinarating namin sa production staff ng Baba­ngon Ako't Dudurugin
Kita ang tanong ng fans nina Yasmien Kurdi at JC de Vera, kung kai­lan
mag­tatagpo ang landas ng dalawa sa drama se­ries? Gusto na ng fans ng
magka-loveteam na ma­daliin ang istorya nito para magkita na ang
dalawa.

Maghintay-hintay lang daw kayo at ilang linggo na lang, magkikita na
sina Salve (Yasmien) at Derek (JC) at magsisimula na ang love story
nila.

___________

Sa telenobelang Babangon Ako't Dudurugin Kita ng GMA 7, malulusutan
nina Alfred (Marvin Agustin), Beverly (Jenny Miller) at Salve (Yasmien
Kurdi) ang ginawang pagnanakaw.

Mababalitaan kapagkuwan nina Alfred at Be­verly ang pagdating ni Via
San Gabriel (Angelika de la Cruz), ang apo ni Gov. Fausto.

Nakaisip na naman sila ng masamang plano.

Samantala, magagalit si Evita (Dina Bonnevie) kay Jango (Tonton
Gutierrez) nang malamang tinutulungan nito si De­rek (JC de Vera) na
pasukin ang sindikato.
Mangangatwiran si Derek sa harap ng ina




Sa telenobelang Babangon Ako't Dudurugin Kita ng GMA 7, magtatagpo
sina Evita (Dina Bonnevie) at Salve (Yasmien Kurdi).
Manaig kaya ang lukso ng dugo? Makilala kaya ni Evita na si Salve ang
nawawala niyang anak?
Consistent na mataas ang ratings ng Babangon Ako…, and this is one
teledrama that reflects real life situations.
Syanga pala, nalalapit na rin ang pagkukrus ng landas nina Salve at De­
rek (JC de Vera).

__________

Hindi pa umaalagwa sa rating ang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Hindi
pa lumalampas sa 30 % ang rating ng TV drama na star-studded at
maganda ang kuwento. Magkaroon pa uli kaya ng proyekto sa GMA 7 sina
Dina Bonnevie at Angelika dela Cruz na galing mula sa ABS-CBN?

____

Yasmien Kurdi reveals how she cured her sleeping disorder

Rommel Gonzales

Naisulat namin noon dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na
may kidney stones ang ina ni Yasmien Kurdi. Pero napag-alaman namin
na pati pala si Yasmien ay nagkaroon rin ng problem sa kanyang
kalusugan, at ito ay may kinalaman naman sa kanyang pagtulog.

Halos gabi-gabi kasi dati ay hindi makatulog si Yasmien due to a
sleeping disorder. Umabot na nga siya sa punto na naiiyak na siya
dahil kahit anong pilit niya ay hindi siya makatulog.

Isa sa mga remedyong sinubukan niya ay ang pag-inom ng tableta na
nakakapag-induce ng pagtulog. Ang kaso, dahil sa sobrang effective
ng gamot, hindi kaagad nagising si Yasmien kaya na-late siya sa
isang showbiz commitment niya the following day. Dahil dun, inihinto
na niya agad ang pagte-take ng naturang sleeping pill.

Susuko na nga sana si Yasmien, hanggang sa may nag-suggest sa kanya
na subukan ang isang brand ng unan na epektibo sa mga ganitong klase
ng sleeping disorder.

"Pumunta ako sa Shangri-La, meron dun parang...sa Sleepcare. Inalam
ko kung ano'ng problema sa akin or something. Yun pala, sa pillow,
sa batok," kuwento ni Yasmien.

Nang sinubukan daw niya ang naturang unan, nagbalik sa normal na
oras ang kanyang sleeping habit. Kaya ngayon, kahit saan pumunta si
Yasmien, dala niya ang naturang unan, sa mga tapings at shootings at
kahit na anong commitment na magdamagan.

Ito rin ang same kind of pillow na iniregalo ni Yasmien kay JC de
Vera, ang leading man niya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, noong
birthday ang binata last March.

YASMIEN'S FATHER. Tuluy-tuloy at walang patid ang communication ni
Yasmien with her Lebanese father. Last month nga, pinadalhan pa si
Yasmien ng isang mamahaling scarf ng kanyang ama na based sa Kuwait.

Supposedly ay magkikita at magba-bonding sa Dubai ang mag-ama the
last time na nagbakasyon doon si Yasmien, pero natiyempong nasa
Lebanon naman noon ang tatay niya.

"Balak niyang pumunta ng Dubai, pero hindi ko alam na nasa Lebanon
siya nun. Hindi niya ako makontak," sabi niya.

STARSTRUCK REUNION. Malamang na mapaiyak daw si Yasmien kapag
nagkaroon sila ng reunion ng Batch 1 ng StarStruck.

Miss na miss na raw niya ang mga ka-batch niya, kaya wish niya ay
magkita-kita silang muli. Sobrang saya nga raw niya nang mag-guest
sa isang episode ng Tasya Fantasya si Katrina Halili.

Kuwento ni Yasmien, nakikibalita naman siya sa ilang mga dati niyang
kasamahan sa naturang reality-based artista search na hindi na
aktibo sa showbiz.

Si Anton dela Paz daw ay isa na ngayong motocross rider. "Ang ganda
ng motorsiklo niya," sabi ni Yasmien.

Bukod sa mga nabanggit, ang madalas lang na nakikita ni Yasmien ay
sina Jennylyn Mercado, Sheena Halili, at Mark Herras.

Mangiyak-ngiyak nga raw si Yasmien the first time na nagkita ulit
sila ni Rainier na leading man niya sa Tasya Fantasya. Na-miss niya
kasi nang husto si Rainier at ang kanilang tambalan.

Ayon sa dalaga, espesyal ang relationship nila ni Rainier—
magkaibigan, magbarkada, mag-tropa. Kapag may mga oras na bad mood
si Yasmien at galit na galit, puwede niyang ibuhos kay Rainier ang
galit niya.
_____


YASMIEN: DON'T COMPARE ME WITH JENNYLYN

YASMIEN Kurdi says she feels uncomfortable when people tell her she
is just the runner up in the first StarStruck but she has now
overtaken the career of winner Jennylyn Mercado. She's now seen
nightly in "Babangon Ako't Dudurugin Kita" on primetime and on
Sunday afternoon in "Tasya Fantasya" (both remakes.)

"We all know she's in a delicate situation because of her pregnancy
kaya huwag na lang kami ikumpara sa isa't isa at intrigahin," she
says. "As of now, I'm really thankful as JC De Vera and I made the
successful transfer from afternoon to primetime with the success
of `Babangon Ako'. Lahat ng nakakapanood, sinasabi sa aking
nagagandahan sila, thanks to Direk Joel Lamangan and all its stars."

This week, JC as Derek leaves his family after discovering that his
mom Evita (Dina Bonnevie) is a jueteng queen. He becomes closer to
friend LJ Reyes, whose brother Brenan later dies after being shot by
Pablo, an enemy of Derek. Derek later asks the help of Jango (Tonton
Gutierrez) so he can be a part of Evita's syndicate. Jango's son,
Juno (Jay Aquitania), gets jealous because his dad is devoting more
time to Derek than to him.

Marvin Agustin as Alfred continues to be cruel and abusive to
Yasmien as Salve, beating her up for the smallest mistakes. He buys
a new car and won't even let Salve touch it. He introduces his
lover, Beverly (Jenny Miller), to Salve as his cousin and they
connive to rob a rich family. The character played by Angelika de la
Cruz, Via San Gabriel, arrives on the scene. She's the granddaughter
of the governor and the scheming Alfred hatches a new plan for her.


0 comments:

 
Kurdinian Defense Force - © 2007 Template feito por Templates para Você