ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7 ss_blog_claim=d5b6bfa69ef788551b71e0de14f3c7c7

Monday, April 14, 2008

yazzie news

Yasmin Kurdi, napilitang lumuhod!

HINDI na natutuwa si Yasmien Kurdi sa walang katapusang intriga sa
kanila ni direk Joel Lamangan. Sabi ni Yasmien, dapat na raw tapusin
ang intriga sa kanila, na matagal na raw nangyari.

Sabi pa rin ni Yasmien, kapag ini-interview siya tungkol kay direk
Joel, parang pinalalabas na bago lang ang intriga sa kanila.

Nagsimula nga ang intriga sa kanila ni direk Joel noong una silang
nagsama sa teleserye. Nasigawan daw kasi ni direk Joel si Yasmien sa
set noon.

Inaakusahan pa si Yasmien, na kahit mabait siya kay direk Joel
nga­yon, nandun pa rin `yung kinikimkim niyang galit sa director.

Siyempre, gulat na gulat si Yasmien sa mga tsismis na `yon. Katunayan,
masaya raw sila ni direk Joel sa set ng Babangon Ako't Dudurugin Kita
ng GMA 7.

"Actually, nangyari `yung sinasabi nila na kesyo hindi kami nagkasundo
ni direk Joel, sa set pa `yon ng Pasan Ko Ang Daigdig. Ang tagal na
noon, ha!

"Kung `yung pagsasama namin ngayon ang iniintriga nila, walang ganu`n.
Wala talaga kaming problema ni direk Joel.

"Sa totoo lang, ang ganda ng pagtatrabaho namin ngayon ni direk Joel.

Love na love nga niya ako, eh.

"Hindi ko naman idini-deny na sa Bakekang pa lang, may problema na sa
mga restriction. Pero, it's not my fault kung may religion akong
ganito ang paniniwala.

"May sari-sarili tayong mga belief. May kanya-kanya tayong opinyon.
Ang sa akin lang, ayokong mapahiya sa religion ko at ayaw ko ring
mapahiya ang family ko," sabi ni Yasmien.

Sabi pa rin ni Yasmien, may mga bagay na ginagawa ang mga Katoliko, na
hindi puwedeng gawin sa kanilang relihiyon.

"Like, hindi po ako puwedeng kumanta ng Christmas songs. Wala kaming
Christmas kaya hindi rin ako makapagbigay ng gift tuwing Pasko.

"Kung magbibigay man ako, siguro `yung pasasalamat ko na lang sa mga
taong tumulong sa akin at para sa mga taong malalapit sa akin."

May mga kuwento na sa Pasan Ko… ay tumanggi rin si Yasmien kay direk
Joel na gawin ang isang eksena na kung saan kailangan niyang lumuhod
sa isang santo?

"Hindi po talaga ako puwedeng lumuhod sa kahit na sinong santo, at
nakatingala habang nagdadasal. Hindi rin ako puwedeng humawak ng rosaryo.

"That time, kailangan `yon sa eksena, kaya ginawa ko rin. Pero
katakot-takot na explanation ang ginawa ng production at ni direk para
pumayag lang ako.

"Ginawa ko naman ang eksenang lumuhod ako sa santo, pero nakapikit
lang ako," kuwento ni Yasmien.

Nagpapasalamat na lang si Yasmien dahil hindi `yon minasama ng mga tao
sa kaniyang relihiyon.

"Hindi nila ako pinatawag after the scene. Sa pagkakaalam ko, wala
akong nilalabag na batas sa religion namin. Hindi pa naman nila ako
ipinatawag."

Pero, nangangako si Yasmien, na basta hindi raw magiging problema sa
kanyang relihiyon, gagawin niya para sa kanyang trabaho.

"Sabi nga nila, okey lang ang kissing scene, basta huwag lang
sobra-sobra. Hindi rin ako puwedeng magsuot ng sobrang sexy na damit.

"Malabo namang mangyari `yon dahil ako mismo, hindi ako kumportableng
gumawa ng mga sexy roles," sabi niya.

"Kami naman ni direk Joel, normal na `yung su­migaw siya sa akin.
Pero, pabiro naman siya kung sumigaw. Sabi lang niya sa akin, `yung
susunod na pelikula ko, siya raw uli ang magdidirek.

"Binibiro pa nga niya ako na sa susunod, madre na raw ang role na
gagawin ko," nakangiting sabi na lang ni Yasmien.

0 comments:

 
Kurdinian Defense Force - © 2007 Template feito por Templates para Você